Natapos na ang The International (TI10) noong October 17 at nakoronahang kampeon ang Team Spirit. Nakakita ang TI10 ng 96 na serye at 196 matches sa group stage at playoffs.
Bago nito, nakita sa Regional Qualifiers ang paglaro ng halos 300 matches. Sa katunayan, kung isasama mo ang open qualifiers hanggang sa grand final, 500 games ng Dota 2 ang nilaro.
Sa mga daan-daang laro na ito, bawat Dota 2 hero ay napili o na-ban kahit isang beses, maliban lang kay Spirit Breaker.
5 rason kung bakit hindi pinansin si Spirit Breaker sa TI10
- Nakatanggap ng matinding nerfs si Spirit Breaker sa Dota 2 patch 7.30

Hindi naging mabait ang Dota 2 patch 7.30 kay Spirit Breaker. Nakatanggap ang hero ng dalawang matinding nerfs sa kaniyang base kit.
- Nabawasan ang kaniyang base strength at gain mula sa 29 + 3.1 patungong 27 + 3
- Tumaas ang halaga ng Charge of Darkness mana mula sa 70/80/90/100 patungong 100 sa bawat level
Nawalan ng dalawang starting strength at bumaba ang kaniyang strength gain. Bilang isang mahinang laner, ang kawalan ng 40HP sa level one ay nangangahulugang mas madali siya ma-burst down.
Dagdag pa diyan, nakakapanghina ang pagtaas ng halaga ng mana para sa Charge of Darkness. Bago ang Dota 2 patch 7.30, minamax out ng mga Spirit Breaker players ang Greater Bash at pinapanatiling nasa level one ang Charge hanggang sa huling parte ng laro.
Hinahayaan nito ang mga players na gamitin ang Charge ng maraming beses dahil sa kaniyang mababang mana cost habang nagdudulot ng damage gamit ang Greater Bash. Ngayon, 100 mana na ang halaga ng Charge sa lahat ng levels, at matindi ang epekto nito sa mana pool ni Spirit Breaker.
- Na-nerf ang Aghanim Scepter

Isa sa mga advantages ng Spirit Breaker ay ang kaniyang Aghanim Scepter. Ang mababang cooldown at bonus movement speed nito ay ang mga dahilan kung bakit naging isang core purchase ito ng hero.
Ang binagong Aghanim Scepter sa Dota 2 patch 7.30 ay nagbigay ng iba (at mas mababang halaga) na bonuses.
- (Old) Tumataas ang Charge of Darkness speed bonus nang 175 at binababa ang cooldown sa 7
- (New) Mas mababang Charge of Darkness cast time sa 0.1, cooldown sa 7, at tumatagos ito sa spell immunity
Nawala ang bonus 175 movement speed sa Aghanim Scepter, tumaas ang cast time reduction at ang abilidad na pagtagos sa spell immunity.
0.3 ang cast time ng Charge of Darkness kung wala ang Aghanim. Ang pagbaba ng cast time sa 0.1 ay wala masyadong epekto sa hero dahil kadalasan ang paningin ng mga target ay binibigay ng kakampi.
Pagdating naman sa pagtagos ng spell immunity, dito na nagiging interesante ang mga bagay. Maaring ma-cast ang Charge sa kalaban bago sila gumamit ng spell immunity, at mananatili ito kahit pa gumamit sila ng spell immunity.
Hinahayaan ng Aghanim Scepter na magamit ito habang spell immuned ang kalaban. Maganda itong feature, ngunit hindi ito masyadong mapapakinabangan kung ikukumpara sa bonus 175 movement speed na mayroon ang Spirit Breaker noon.
- Ang pagbabago sa talent ni Spirit Breaker ay nakapanghina nito
Ito ang mga pagbabago sa talents ni Spirit Breaker sa Dota 2 patch 7.30:
Here are the changes Spirit Breaker’s talents received in Dota 2 patch 7.30:
- Nagiba ang Level 15 right talent: +10 health regen hanggang -4s Bulldoze cooldown.
- Nagiba ang Level 20 left talent: -5.5s Bulldoze cooldown hanggang sa +200 Charge of Darkness charge speed bonus.
- Nagiba ang Level 20 right talent: +12% Greater Bash movement speed bilang damage hanggang sa +10% Greater Bash proc chance.
- Nagiba ang Level 25 right talent: +20% Greater Bash proc chance hanggang sa +25% Greater Bash movement speed bilang damage
Nakakita ng malaking pagbabago ang Level 15 at 20 sa mga talents na nakapanghina sa hero.
Sa level 15, ang pagbawas ng 10 health regeneration talent ay may matinding epekto sa survivability ng hero. Kung idadagdag pa ito sa kawalan ng kaniyang dalawang unang strength, mas madaling matumbahin si Spirit Breaker ngayon.
Ang minus four seconds sa Bulldoze ay magandang bagay, ngunit nagkaroon na ng ganitong talent ang hero as level 20 bago ang Dota 2 patch 7.30. Maari nang makuha sa unang parte ng laro ang Bulldoze talent, ngunit sa halagang 10HP regeneration at mas matagal na downtime.

Sa level 20, ang Aghanim Scepter movement speed upgrade ay ngayon na level 20 talent. Ang pagkakaroon ng karagdagang 200 movement speed sa Charge ay mapapakinabangan at isang must-have para sa hero. Ang issue dito ay mayroon nang ganitong bonus ang Spirit Breaker mula sa kaniyang Aghanim.
Sa level 20 gamit ang Aghanim Scepter, nawala ang cooldown sa Bulldoze at 10 health regeneration. Sa kapalit nito, nagkaroon siya ng karagdagang 25 Charge movement speed, 0.1 cast time, at ang abilidad na mag-charge ng mga magic immune targets.
Sa pangkalahatan, ang mga pagbabago sa talent ng hero na ito ay ginawa siyang mas madaling patayin, kaya naman siya ay hindi napili ng mga players sa TI10.
- Mahina si Spirit Breaker sa laning stage

Mas naging importante ang laning stage sa Dota 2 patch 7.30d dahil sa mga nerfs sa stack meta. Ibig sabihin nito, ang mga support heroes na maganda ang performance sa laning stage ay uunahin ng mga teams sa TI10.
Ito ang dahilan kung bakit ang mga support heroes tulad nina Elder Titan, Disruptor, Snapfire, at Silencer ay pinag-aagawan. Ang mga heroes na ito ay mabangis sa laning stage at nagdadagdag ng solid team fight.
Kilala ang Spirit Breaker bilang isa sa pinakamahinang laning heroes sa laro. Siya ay isang mabagal na melee hero na kailangan pa gumamit ng 100 mana para makalapit sa kalaban.
Ang kaniyang damage output ay hindi rin kahanga-hanga. Mahina si Spirit Breaker sa unang 10 minuto ng laro, at kaya siya iniwasan ng mga teams sa TI10.
- Hindi bagay si Spirit Breaker sa TI10 meta

Isang malaking parte ng TI10 meta ay ang team fighting. Umasa ang mga teams sa mga heroes na malaki ang ambag sa mga labanan mid game.
Ito ang dahilan kung bakit ang mga heroes tulad ni Magnus, Tidehunter, Earthshaker, at Elder Titan ay naging premium picks. Ang mga heroes na ito ay nagbigay ng malakas na AoE disables para sa mga kakampi.
Ang mga abilidad ni Spirit Breaker ay single target-focused. Habang ang hero na ito ay may tamang ambag sa mga team fight, hindi ganoon kalakas ang kontribusyon niya. Isama mo pa dito ang kaniyang mahinang laning presence, maiintindihan ng lahat kung bakit hindi siya na-draft ng mga teams.
Dahil siya lang ang hero na hindi napili o na-ban sa TI10, malaki ang tsiyansa na magpapakita ng pagmamahal ang IceFrog sa Spirit Breaker sa paparating na Dota 2 patch. Sana ito ay maging sapat para maibalik siya sa competitive scene.
Gusto mo pa ng aksyon sa Dota 2? Panoorin ang Heroes of the Game documentary na ihinatid ng foodpanda.