Dumating na sa wakas ang Dota 2 patch 7.30 at hatid nito ang sangkatutak na pagbabago.

Bukod sa mga bagong neutral item, rework sa Aghanihm’s Shard effect ng ilang hero, at mga adjustment, isa sa pinakamalaking pagbabago ay kung paano na lalaruin si Tinker na mukang lilipat na mula sa mid papuntang support role.

Narito ang guide kung paano nga ba laruin ang support Tinker.


Bakit support na si Tinker sa Dota 2 patch 7.30?

Support Tinker
Credit: Valve

Ang pag-introduce ng Keen Conveyance

Hindi na kailangan ni Tinker na mag-rush ng Boots of Travel dahil sa bagong sub-skill ng kanyang ultimate na Rearm, ang Keen Conveyance. Isa itong ability na hinahayaan si Tinker na mag-teleport sa ally buildings sa level one, pati sa units sa level two, at pati sa ally heroes sa level three.

Dahil dito, kaya na ni Tinker na rumesponde sa mga team fight pag tapak sa level six at maging mas active sa mapa para masuportahan ang kanyang mga kakampi.

Aghanim’s Shard upgrade na ang March of Madness

Pinagbaligtad bilang basic skill at Aghanim’s Shard upgrade ang March of Madness at Defense Matrix ni Tinker.

Dahil wala nang skill para makapag-clear ng wave o neutral camp ang naturang hero, di hamak na mas mahina na ang kakayahan nitong mag-farm sa early game. 


Skill build ng support Tinker sa Dota 2 patch 7.30

Support Tinker
Credit: Valve

Dahil iba na ang basic skills at role ni Tinker, natural lang na mag-iiba ang skill build niya.

Mas mabuti nang unahing i-max out ang Laser dahil sa value nito sa early game. May 4.5 second Blind ang ability na ito at 320 pure damage na solid pang-box-out sa katapat sa lane. Gamitin ito para mahirapang maka-last hit o deny ang kalaban,

Ipangalawa ang Heat-Seeking missile sa skill priority. Binibigyan nito si Tinker ng mas malakas na hero damage potential sa laro dahil kaya nito bumawas ng hanggang dalawang hero sa mga early team fights.

Ihuli ang Defense Matrix dahil hindi ito masyadong effective sa early game. 320 damage lang ang kaya nito i-sustain sa max level. Mas solid ang 50% status resistance nito na mas kailangan sa late game kung kailan mas maiksi na ang Avatar duration ng Black King Bar ng mga kakampi mong core.

Pero sa lahat ng ito, ‘wag kalimutang lagyan ng skill point ang Rearm tuwing pwede.


Item build ng support Tinker sa Dota 2 patch 7.30

Support Tinker Item Build
Credit: Valve

Sa ngayon, mayroon pang multiple item builds na pwedeng paglaruan. Pero kadalasan, hindi ka magkakamali kung bibilhin mo ang mga item na ito:

Tranquil Boots: Dahil etsa-puwera na ang Boots of Travel, ang pangkaraniwang boots ng mga support na ngayon ang best boots choice para kay Tinker dahil sa dagdag mobility at HP regeneration nito.

Soul Ring: Ang kadalasang ka-partner ng Tranquil Boots. Dahil sa HP regen ng nasabing boots at Sacrifice ng Soul Ring, mas madaling tumagal sa lane si Tinker para makapag-spam ng skills.

Magic Wand: Isa ang Magic Wand sa item na may pinakamataas na value dahil useful ito sa mga team fight para sa emergency heal pati na rin mana. Delikado rin gumamit ng Soul Ring sa gitna ng bakbakan kaya’t dito makatutulong ang item na ‘to.

Glimmer Cape: Dahil sa Rearm, isa si Tinker sa mga best user ng item na ‘to. Kung hindi ang sarili niya, maaari niyang i-Glimmer ang kakampi upang tulungan itong makatakas o makapag-initiate.

Blink Dagger: Bagamat mahal ang item na ito, isa pa rin ang Blink Dagger sa mga mainam na mobility item sa laro. Importante ang positioning bilang Tinker at makatutulong ang Blink upang makapag-set ng maayos na pwesto.

Aether Lens: Gaya noong mid pa si Tinker, solid pa rin ang Aether Lens para sa dagdag cast range tuwing team fight.

Aghanims’ Scepter: Ina-upgrade ng Aghanim’s Scepter ang Laser ni Tinker. Nagiging Shrink Ray ito na nagbibigay ng 10% bonus damage base sa current health ng kalaban. Nagba-bounce din ito sa pinakamalayong kalaban at nagdadagdag ng 300 cast range sa nasabing skill.

Scythe of Vyse: Mapa-support o mid, hindi mawawala ang Scythe of Vyse sa suggested item build ni Tinker. Kaya nitong maka-perma-Hex salamat sa Rearm upang mapadali ang pagpitas sa tulong ng mga kakampi.

Mahirap man itong mabili bilang support, maganda pa rin itong option lalo na sa mga mahahabang laban.


Support Tinker talent choices sa Dota 2 patch 7.30

Support Tinker Talent Tree
Screenshot ni Otomo Alazawi/ ONE Esports

Apat sa talents ni Tinker ay nabago paglapag ng patch 7.30. Dahil sa bagong role na pwede na niyang laruin, mas flexible na rin ang kanyang talents. Tantyahin na lang maigi kung ano nga ba ang kailangan dahil karamihan sa kanyang mga talent ay situational.

Level 10 +8% mana loss reduction o +2 Laser Blind duration 

Bagamat useful ang mana loss reduction, kaya ni Tinker tumagal nang wala ito. Sapat na ang Soul Ring para ma-sustain ang mana pool ni Tinker at dahil sa libreng teleport, madali na lang siyang makakabalik sa fountain para makapag-regen.

Sa kabilang banda, mas sulit ang two-second Blind duration. 6.5 seconds nitong dini-disable ang auto-attack ng isang hero na useful sa kahit anong stage ng laro.

Level 15: +1 Heat-Seeking Missile Count o -0.5s Keen Conveyance Channel Time

Maganda man pakinggan ang dagdag target para sa Heat-Seeking Missile, mas maraming pagkakataon na kulang sa tatlo ang pwedeng gawing target nito sa kabuuan ng laro.

Mas valuable ang pag-reduce sa channel time ng Keen Conveyance dahil ramdam ito sa kabuuan ng laro. Mababa man ang halaga ng kalahating segundo, mas mapapabilis pa rin nito ang pag-galaw ni Tinker sa buong mapa.

Level 20: +150 Defense Matrix Damage Absorbed + 10% Spell Amplification

Pagdating sa talent choices na ‘to, mas mahalaga na suruin muna kung ano nga ba ang mas kailangan ng iyong koponan para manalo. 

Sa kabila nito, mas okay pa rin na maging mas proactive. Maaaring mas makatutulong tungo sa panalo ang dagdag damage para makapatay ng kalaban, kesa sa extra defense na binibigay ng Defense Matrix.

Level 25: +0.25s Heat-Seeking Missile Ministun o +80 Laser Damage

Ang mga pagpipilian sa level 25 talent ni Tinker ay dikit pag dating sa win rate.

Pure damage ang Laser kaya’t sulit ang dagdag 80 para dito. Kung sasamahan pa ng Aghanim’s Scepter upgrade at 250 AoE splash damage nito, mahirap nang i-etsa-puwera ang bawas nito.

Sa kabilang banda, ang 0.25 second ministun naman sa Heat-Seeking Missile ay useful din. Kaya nitong makapag-disrupt ng channeling abilities mula sa malayo na pwedeng pangontra sa mga katulad nina Enigma, Bane, o Witch Doctor.


Tandaan din na ‘wag ikahon ang paglalaro sa hero na ‘to sa mga proper build. Gawing gabay ang guide na ‘to kung gusto mong subukan ang support Tinker sa Dota 2 patch 7.30.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na article na matatagpuan dito.