T1 pasok na sa playoffs ng The International 10 matapos ang pagratsada sa Group Stage Day 3 kasabay ng maagang pagkalaglag ng Thunder Predator sa pinakamalaking Dota 2 tournament ng taon.

Na-eliminate ang wala pang kapana-panalo na Thunder Predator nang matanggap nila ang kanilang ika-13 sunod na talo sa Game 1 ng kanilang serye laban sa Team Aster.

Dahil dito, pasok na rin sa playoffs ang iba pang Group A teams na Invictus Gaming, two-time defending champion OG, Evil Geniuses, Team Undying, Virtus.pro, Alliance at Team Aster.

Samantala, tuloy pa rin ang struggle ng isa pang kinatawan ng Southeast Asia na Fnatic sa pangatlong araw ng kompetisyon.


T1 pasok na sa playoffs ng TI10 matapos umarangkada sa Group Stage Day 3

T1 pasok na sa playoffs ng TI10
Credit: T1

Magandang sinimulan ng T1 ang kanilang kampanya sa ikatlong araw ng group stage sa pamamagitan ng pagwalis sa Team Aster ng China, 2-0.

Binura ng T1 ang 25K gold advantage ng Aster sa Game 2 para kumpletuhin ang kanilang nakakamanghang comeback patungo sa isang matamis na sweep.

Matapos ang serye kontra sa Aster, sunod na binalagbag ng T1 ang European squad na Alliance, 2-0.

Bumida sa Game 1 si kapitan Carlo “Kuku” Palad sa kanyang Magnus na nagpakita ng isang malupit na play gamit ang Aghanim’s Shard ability na Horn Toss.

Pinangunahan naman nila Pinoy midlaner Karl Matthew “Karl” Baldovino sa Lina at Indonesian support Matthew “Whitemon” Filemon sa Snapfire ang 57-minute win sa Game 2.

Tinuldukan ng T1 ang sweep sa pamamagitan ng isang full team wipe sa mismong base ng Alliance kung saan binato ni Whitemon ang Razor ni Nuengnara “23savage” Teeramahanon gamit ang Aghanim’s Scepter ability na Gobble Up.

Kasalukuyang nilalabanan ng T1 si Jonáš “SabeRLight-” Volek at ang North American squad na Team Undying para sa kanilang huling serye sa Day 3.


T1 pasok na sa playoffs, pero Fnatic, delikado pa

Credit: Fnatic

Habang umaarangkada ang kapwa Southeast Asian team na T1, bigo pa rin ang Fnatic na makakuha ng isang series win sa group stage.

Salamat sa halimaw na laro ni Pinoy carry Polo “Raven” Fausto sa kanyang Weaver, nagawang makatabla ng Fnatic kontra sa Southeast Asian squad na beastcoast.

Ngunit inabot ng malas ang boys in orange sa kanilang sumunod na laban kung saan nakalasap sila ng 0-2 sweep sa kamay ng nag-iinit na Team Spirit.

Sa ngayong ay nasa No. 7 spot sa Group B ang Fnatic at nasa peligro pa rin na malaglag kaagad sa torneo.

Susubukan ng Fnatic na pagandahin ang kanilang posisyon para makapasok sa playoffs sa ikaapat at huling araw ng group stage kung saan makakasalpukan nila ang isa mga mabibigat na contender na Team Secret.

Mapapanood ang mga laban sa opisyal na Filipino broadcast ng TI10 ng LuponWXC sa pamamagitan ng kanilang Twitch, YouTube at Facebook page. I-follow sa Facebook ang ONE Esports Philippines para sa ibang mga istorya tungkol sa mga koponan ng SEA sa TI10.


SEA represent! Panoorin ang paglalakbay ng mga manlalaro mula sa rehiyon patungo sa pinakamalaking torneo ng taon dito sa Heroes of the Game documentary hatid ng foodpanda.