Inihayag ng CEO ng Team Secret na si John Yao ang kaniyang mga saloobin patungkol sa epekto ng COVID-19 sa industriya, ang kasalukuyang estado ng professional Dota 2 scene, at kanilang Dota 2 roster.
Sa isang panayam sa sa Jaxon, nakwento ni Yao kung paano siya nagsimula sa organisasyon. Nagsisilbi siya bilang CEO ng organisasyon simula noong 2017, isa rin siya sa mga founding member na naging responsable sa paglago nito.
Hindi maipagkakaila ang katanyagan ng Team Secret simula pa noong nabuo ito, pero kahit ang koponang kasing laki nila ay ininda ang epekto ng COVID-19. Nang magsimulang lumala ang pandemya, naapektuhan nito ang maraming industriya. Pero ang esports, ayon kay Yao, ay naging mas matatag.
“I think esports is hotter than ever. The pandemic put esports in the spotlights as an entertainment category, much like television or streaming,” banggit ni Yao sa Jaxon. “Esports is here to stay.”
Team Secret, nagbabalak pang lumago

Nagsimula ang Team Secret sa kanilang Dota 2 team. Simula noon, lumago na ito sa iba’t-ibang esports titles, kabilang na ang mobile games.
Kasama sa vision ni Yao para sa organisasyon ang pagiging global entity, “The identity of Team Secret is to bridge the audiences of East and West to be a truly global organization”.
Sa patuloy na paglaki ng esports at pagpasok nito sa mainstream, naniniwala si Yao na mas maraming kumpanya ang makikipag-partner sa mga professional team, lalo na ang mga luxury brand nais ma-reach ang gaming demographic.
Team Secret sa The International

Dahil sa The International, Dota 2 ang ang may pinakamalaking prize pool sa lahat ng esports. Kaso sa labas ng nag-iisang turneong ito, nahihirapan ang mga koponan na i-sustain ang kanilang career. In-elaborate din ni Yao ang kasalukuyang financial state ng Dota 2:
“Dota 2 has never been profitable in a sustainable way. Sure, if you place Top three at TI, your team can be profitable that year, but beyond that, I can tell you the vast majority of teams are not profitable at all.”
Kahit patuloy na lumalaki ang prize pool nito, naniniwala si Yao na lumiliit lang ang competitive scene nito. Naniniwala siya na mas maraming organization na ang natatakot mag-invest sa laro dahil sa kung gaano ito ka-risky.
“Why carry a team for an entire year when you can soak up the majority of the value by just focusing on the one month that matters?” banat ni Yao.
John Yao sa performance ng Team Secret papuntang The International 10

Pinangibabawan ng Team Secret ang Dota 2 scene noong 2020. Kung statistics ang pagbabasihan, isa sila sa pinakamalakas na teams sa kasaysayan ng laro. Pero ngayong taon, hindi gaano naging consistent ang Team Secret lalo na noong WePlay AniMajor at ESL One Summer.
Ayon kay Yao, marahil ito raw ay sintomas ng mga koponang maagang nakaka-qualify sa The International, “I think our team will be fine. They are one of the best in the world, and their skill level and teamwork are unquestionably top tier. Once you qualify for TI, I would say the motivation drops off significantly.”
Mababasa ang buong interview kay John Yao dito.