Nakaligtas ang dark horse squad ng CIS na Team Spirit sa WePlay AniMajor Group Stage matapos ang mahigpit na tiebreaker match laban sa Team Liquid.

https://twitter.com/WePlay_Esports/status/1402010297750151169?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1402010297750151169%7Ctwgr%5E%7Ctwcon%5Es1_c10&ref_url=https%3A%2F%2Fwww.oneesports.gg%2Fdota2%2Fteam-spirit-survive-weplay-animajor-group-stage%2F

Matindi ang laban ng walong teams sa pagkuha ng magandang posisyon sa standings para malaman kung sino ang uusad sa Upper at Lower Bracket sa playoffs. Samantala naglaban ang Team Spirit at Team Liquid sa isang tiebreaker match matapos magkaron ng tabling record na 5-9.

Nakakabilib na comeback ng Team Spirit laban sa Team Liquid

Ipinakita ng CIS team na hindi nila palalampasin ang pagkakataong makapaglaro sa playoffs matapos ang hirap na pinagdaanan nila sa Group Stage. Kinuha ng Team Liquid ang early game lead gamit ang mga well-coordinated tower push para buksan ang mapa para sa kanilang Luna at Invoker picks.

Binaligtad ng Team Spirit ang game ng dalhin nila sa Team Liquid ang laban. Matapos mabuo ng Drow Ranger ni Illya “Yatoro” Mulyarchuk ang Eye of Skadi, nagawa ng Team Spirit na maihiwalay ang core ng Team Liquid para makuha ang lamang sa mga clash.

Trabaho naman ng Puck ni Alexander “TORONTOTOKYO” Khertek na hanapin at itumba ang Oracle ni Aydin “iNSaNiA” Sarkohi tuwing may team fight. At pag wala ang False Promise ultimate ni iNSaNiA, punit ang mga heroes ng Team Liquid sa lakas ng damage output ni Yatoro.

Sa paghihingalo ng Team Liquid, tinapos ni Magomed “Collapse” Khalilov ang tiebreaker match ng dalawang Ravage, salamat sa kanyang Refresher Orb. Ang panalong ito ang naghatid sa Team Spirit sa Lower Bracket ng playoffs, habang isang Major na naman ang pinalagpas ng Team Liquid nang hindi nakakakuha ng DPC Points.

Ang mga teams na nakapasok sa WePlay AniMajor PlayOffs

Dota2 WePlay AniMajor GroupStage Day4 Results
Credit: Wykrhm Reddy/Valve

Matapos ang apat na kamangha-manghang araw na Group Stage action mula sa pinakamahuhusay na Dota 2 teams sa buong mundo, handa na ang WePlay AniMajor para sa Playoffs.

Ang PSG.LGD at Team Nigma ang dalawang nangungunang teams sa Group Stage. Ang dalawang teams na ito ay pupwesto sa Upper Bracket ng Playoffs, sasamahan nila ang DPC 2021 Season 2 champions ng bawat region.

Dota2 WePlay AniMajor PlayoffBracket
Credit: WePlay! Esports

Magpapatuloy naman sa Lower Bracket ang Vici Gaming, Evil Geniuses, TNC Predator, at Team Spirit, kung saan hihintayin nila kung sino ang babagsak mula sa Upper Bracket.

Inilabas na rin ng WePlay AniMajor ang brackets para sa Playoffs. Ang mga dapat abangan na laban ay sa pagitan ng CIS powerhouse na Virtus Pro at Team Nigma na inaasahang mananalo sa isa na naming WePlay event.

Nariyan din ang top European squad na Alliance na haharap sa best team ng Group Stage na PSG.LGD. At sa wakas, magkakaroon din ng North versus South America matchup sa pagitan ng Quincy Crew at NoPing e-sports.

Magsisimula ang WePlay AniMajor Playoffs sa June 9, 5:00 p.m. GMT+8 sa laban ng Team Aster at T1. Para sa iba pang detalyer tungkol sa tournament, i-click dito.