Ang The International 10 ay gaganapin sa August 5 sa Stockholm, Sweden, na inanunsyo sa official blog post ng Valve.

Sa paghahanda ng Aegis of Champions, susundan ng The International 10 ang 2021 DPC season, magsasama-sama ang pinakamagagaling na teams mula sa iba’t ibang panig ng mundo at maglaban-laban para sa record-high prize pool na US$40,018,195.

“As we continue to plan the event around the shifting landscape presented by the ongoing global pandemic, our focus remains on finding ways to hold a high-quality tournament in the safest way possible,” paliwanag ng developer. Ang iba pang detalye tungkol sa attendance options ay inaasahang lalabas sa June.

Kumpletong schedule ng The International 10

Dota2 The International 10 Schedule
Credit: Wykrhm Reddy

Kinumpirama ng Valve na ang The International 10 ay magsisimula sa Group Stage mula August 5-8.

Ang Main Event ay gaganapin mula August 10-5. Ang top two teams ang maglalaban sa Grand Final para sa TI10 championship.

Pinapakilala ng Valve ang Supporters Club feature para sa The International 10 at Dota 2

Dota2 Supporters Clubs
Credit: Wykrhm Reddy

Kailan lang ay ipinakilala ng Valve ang Supporters Clubs, isang bagong paraan kung saan pwedeng suportahan ng mga Dota 2 fans ang kanilang mg paboritong teams sa pamamagitan ng pagbili ng mga bundles ng badges at seasonal equippables.

Sinabi pa ng developer na ito ay “perfect for showing off allegiance in and out of the lanes.”

Ang content ng Supporters Clubs ay manggagaling sa featured teams. 50% ng kikitain ay mapupunta direkta sa mga teams ng kung anong mga bundles ang mapipili. Magdadagdag ang Valve ng content para sa 17 teams sa simula, at nangangakong madadagdagan pa ito.

Ang bawat team ay mayroong tatlong bundles na pagpipilian ng mga fans. Ang Bronze Club ay may kasamang badge para sa paborito mong team; ang Silver Club ay may kasamang sprays at emoticons; at ang Gold Club ay may kasamang special in-game HP-bar badge, loading screens, at voice lines.

Ang content na ito ay magtatagal hanggang sa magsimula ang The International 10. Sa mga susunod na seasons, magtatagal ito sa kahabaan ng bawat Major.

Nagbigay ng patikim ang Valve ng mga susunod na game events

“We’ve previously mentioned our aim to deliver content on a more regular schedule throughout the year rather than drop everything during one period for the traditional Battle Pass,” ayon sa Valve.

“With that in mind, this year’s slate will continue to look a bit different than in the past.”

Inaasahang magkakaron ang Valve ng dalawang magkahiwalay na events sa mga susunod na buwan, imbis na isang mahabang Summer event.

Ang unang event ay magsisimula mid-to-late June, at ang pangalawa naman ay susunod pagkatapos ng TI10.

Ang iba pang detalye ay makikita sa official Dota 2 blog post ng Valve.