Matagal-tagal na bago kinilala ulit si Razor bilang hard carry.

‘Di kasi tulad ng ibang carry na sumikat sa mga nagdaang meta, mas mabagal mag-farm at mas mahina mag-scale ang naturang agility hero.

Pero salamat sa Refresher Razor, na binubuuan ng Black King Bar at Refresher Orb, nahanap ni Razor ang sarili niya pabalik sa meta.

‘Di na bago ang konsepto ng Refresher Razor. Nauna itong pinasikat ni Jacky “EternaLEnVy” Mao.

Bukod sa flexibility nito sa role at lane, matibay na dahilan din ang lakas ng Refresher Orb sa kasalukuyang patch at bisa nito sa mga skill ni Razor.

Bakit nga ba meta ang Refresher Razor?

Refresher Razor build dota 2
Credit: Valve

Maliban sa ibang kaso (gaya na lang ni Tiny noong TI10), kadalasan ay mas flexible ang role ng mga core na may potensyal i-ban o pick sa unang phase ng draft. Ito ay para hindi madaling makontra ang nasabing pick, dahil pwede nila ibaba ang priority ng hero.

Salamat sa Static Link, na sumisipsip ng damage ng kalaban, pwedeng punan ni Razor ang ano mang lane. Malakas siya lalo na kung melee ang katapat, pero mahina kontra mobile heroes na may mataas na magical damage gaya nina Queen of Pain, Lina, at Weaver.

‘Di na rin siya mabagal mag-farm dahil sa ilang buffs sa hero at sa Plasma Field na mabisang pang-clear ng waves at neutral camps. ‘Di rin nakakapanghinayang ipang-farm ang ultimate niyang Eye of the Storm dahil mabilis lang ang cooldown nitong 80/70/60, at 30 segundong duration.

Kahit lagpas na sa laning phase, mabisa pa ring pangontra sa carry ang Static link at source ng damage ang Eye of the Storm.

Pero para magamit nang maayos ang parehong skills na ‘to, kailangan din ni Razor na lumapit sa kalaban. Dito na papasok ang Black King Bar.

Bakit binubuuan ng Refresher Orb at Black King Bar si Razor

‘Di matatawaran ang spell immunity mechanic ng Dota 2 kaya isa ang BKB sa mga core item ng mga core heroes. Mas napapatagal nito ang buhay ni Razor sa team fight, pero ‘pag bumaba na ang duration nito kakagamit, isang item lang ang makapagbibigay ng solusyon sa problemang ‘to.

Noong 7.29, naging anim na segundo na ang pinaka-maiksing duration ng BKB, mula sa dating limang segundo. Dahil dito, mas maganda na itong ipares sa Refresher Orb.

Nare-refresh din kasi ng naturang item ang cooldown ng BKB kaya’t nabibigyan nito si Razor ng 12 segundong spell immunity, kumpara sa 10 segundo noong mga nakaraang patch.

Noong patch 7.30, pangunahing dahilan ang pag-refresh ng BKB cooldown sa pagkuha ng Refresher Orb. Kadalasan man ay sa late game na ‘to ginagawa, iba naman ang kaso para sa Refresher Razor.

Refresher Orb bilang second item para kay Razor

Malilintikan lahat ng kalaban.
Screenshot ni Dexter Tan Guan Hni/Dota 2 Wiki

Anim na sunod-sunod na patches nang naba-buff ang Refresher Orb. Napababa na ang cost at cooldown nito, habang napataas naman ang health at mana regeneration.

Lahat ng mga ito ay nakaka-benefit sa Refresher Razor. Nakakatulong ang mababang cooldown para sa mas mababang downtime, habang ang mas pinataas naman na health at mana regenaration ay nakatutulong sa kanyang sustainability.

Nabibigyan din ng Refresher Orb ng panibagong power spike ang ultimate ni Razor. Bukod kasi sa level 20 talent na ginagawang 0.1 segundo ang intervals ng bawat strike, dinodoble pa nito ang bawat bisadamage at bawas sa armorng Eye of the Storm.

Gumagana rin sa Static Link ang Refresher Orb kaya’t kailangan talagang mas malapit ka sa mga kalaban.

https://gfycat.com/potableinfantileanemonecrab

Refresher Razor item build

Early game

  • Power Treads
  • Falcon Blade (optional)

Mas magandang boot choice kadalasan ang Power Treads para sa ranged carry dahil sa efficiency na binibigay ng tread-switching.

Para lalong maibsan ang mana issues sa early game, okay din bumuo ng Falcon Blade kung maganda ang farm. Kung hindi, pwede namang bumili na lang ng ilang Clarity para makabili agad ng BKB.

Core items

  • Black King Bar
  • Refresher Orb
  • Mga defensive item (Linken’s Sphere/Platemail)

Ayon nga sa pangalan ng Refresher Razor, kailangan talaga ang dalawang item na ‘to.

Bagamat makatutulong ang mahabang duration ng spell immunity sa suvivability, mas okay din bumili pa ng dagdag defensive item pangontra naman sa physical damage gaya ng Platemail na pwedeng gawing Shiva’s Guard o Assault Cuirass.

Pwede rin ang Linken’s Sphere para sa mga single-target lockdown katulad ng Fiend’s Grip ni Bane o Primal Roar ni Beastermaster.

Luxury Items sa late game

  • Assault Cuirass
  • Satanic
  • Sange and Yasha
  • Aghanim’s Scpter
  • Upgraded Blink Dagger
  • Linken’s Sphere

Dahil sapat na ang damage na ibinibigay ng dalawang Eye of the Storm, mas okay na mag-invest na lang sa defensive items.

Mabisang pambaliktad ng team fight ang Satanic, at dahil may active ability din ito, nare-refresh din ng Refresher Orb ang cooldown nito.

Solid naman ang mga status resistance at movement speed stat na binibigay ng Sange and Yasha.

Kung kulang naman ang inyong building damage, bumuo ng Aghanim’s Scepter para ma-enable ang damage ng Eye of the Storm sa mga tore.

Ang huling slot naman ay pwedeng ilaan sa mga late game items gaya ng Overwhelming Blink, Swift Blink, o Boots of Travel.

Ito ay pagsasalin mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: 0-3 ng Nigma Galaxy, naging 3-3? Ask Miracle- How