Iniba na ng Thunder Predator ang kanilang Dota 2 roster matapos ang pagtatapos ng kanilang run sa The International 10 (TI10). Ito ang unang beses na nakapasok sila sa tournament.
Hindi nakapasok sa playoffs ang Thunder Predator matapos ma-eliminate sa group stage. Nag-place sila sa 17-18th sa TI10 at naguwi ng US$100,000.
Ano ang magiging epekto ng anunsyo ng Thunder Predator sa South America Dota 2 scene?

Nag-qualify ang Thunder Predator sa The International 10 dahil sa kanilang mahusay na performance sa DPC. Pangalawa sila sa parehas na seasons ng DPC, at nagkaroon din sila ng kahanga-hangang performance sa ONE Esports Singapore Major kung saan nagtapos sila sa 6th place.
Ang mga players na ito ay magiging free agents na sa paparating na DPC season. Sinabi na ng mga myembro ng Thunder Predator na gusto nila manatili bilang isang team at naghahanap sila ng panibagong organisasyon.
Ang bagong roster ng Thunder Predator pagkatapos ng TI10
- Alonso “Mnz” León
- Leonardo “LeoStyle-” Sifuentes
- Frank “Frank” Arias
- Joel Mori “MoOz” Ozambela
- Romel “Mjz” Quinteros
Panoorin ang mga matches ng TI10 sa opisyal na Twitch channel ng Dota 2 The International.
Gusto mo pa ng aksyon sa Dota 2? Panoorin ang Heroes of the Game documentary ng foodpanda.