Mabilis na gumalaw ang Thunder Predator sa pagbuo ng Dota 2 roster nito para sa susunod na DPC season.

Matapos i-anunsyo ang pag-release sa dating lineup nito noong ika-17 ng Oktubre, agad na kinuha ng Thunder Predator ang lahat ng miyembro ng NoPing e-sports para maging bagong koponan nito.

Samantala, ang dating limang manlalaro ng Thunder Predator ay napagpasyahan na manatiling magkakasama at sa kasalukuyan ay naghahanap sila ng bagong organisasyon na irerepresenta.


Thunder Predator kinuha ang NoPing e-sports na mainit nitong mga nakaraang buwan

Thunder Predator kinuha ang NoPing e-sports
Credit: WePlay Holdings

Ang NoPing e-sports ay isang South American team na nasa dominanteng porma sa rehiyon nitong mga nakaraang buwan. Bagamat nagtapos lamang sila sa fourth place noong unang DPC season, malakas silang bumawi sa sumunod na season sa pamamagitan ng pagsungkit ng kampeonato sa OGA DPC South America Regional League Season 2: Upper Division.

Maganda rin ang pinakita ng NoPing e-sports sa BTS Pro Series kung saan nakamit nila ang second place sa Season 7 at ang titulo sa Season 8. Ang apat na miyembro nito ay magkakasama na mula pa noong 2020 kung kailan naglaro sila para sa Omega Gaming.

Subalit hindi pinalad ang koponan na makadalo sa The International 10 sa pamamagitan ng DPC rankings at nagtapos lamang sa ikaapat na pwesto sa TI10 South America Qualifier.

Sa ngayon, tanging oras lang ang makakapagsabi kung paano sila magpapakitang-gilas sa ilalim ng Thunder Predator banner.

Ang bagong roster ng Thunder Predator

  • Crhistian “Angel” Savina
  • Gonzalo “Darkmago” Herrera
  • Oscar David “Oscar” Chavez
  • Farith “Matthew” Puente
  • Jose Leonardo “Pandaboo” Padilla Hernandez

Maaaring tignan ng Dota 2 fans ang kabuuan ng anunsyo sa Twitter.


Ito’y pagsasalin ng orihinal na artikulo ni Ahmad “Otomo” Alazawi ng ONE Esports.

Gusto mo pa ba ng ibang content tungkol sa Dota 2? Panoorin ang Heroes of the Game documentary presented by foodpanda.