Mixed reactions ang naramdaman ng mga teams. 

Ang The International 10, ang pinakamalaking esport tournament sa mundo na mayroong prize pool ng mahigit US$ 40 million, ay maguumpisa sa Octobr 7, at nagsimula na mag-set up ng practice rooms ang mga teams.

Ang group stage ay lalaruin mula sa mga team practice rooms, habang ang play-off matches ay lalaruin on-site. Pinasilip ng mga teams ang mga fans sa kanilang mga rooms kung saan sila ay mageensayo at kung saan nila lalaruin ang group stage.

Ibinahagi ng Team Spirit at OG ang kanilang opinyon sa mga practice rooms nila para sa TI10

Ang Team Spirit, na nakapasok saa TI10 sa pamamagitan ng Eastern Europe Qualifier ay naglabas ng kanilang hinaing sa Twitter tungkol sa mga practice rooms na binigay sa kanila.

Nakita sa video na naglalaro ang Team Spirit sa mga practice rooms na isa ring kusina. Dagdag pa diyan, hindi kasya ang mga myembro ng team sa loob ng kwarto.

Naglabas din ng saloobin ang Team Spirit tungkol sa equipment na binigay. Ayon sa manager ng Team Spirit, hindi daw komportable ang mga mesa, at hindi pwedeng ma-recline ang mga upuan dahil sa sikip ng kwarto, at hindi rin gumana ang Internet sa loob ng 90 minutes matapos nilang lumipat sa mga kwarto.

Shootsgud, TI10
Credit: Shootsgud

Hindi lang ang Team Spirit ang nabigo sa mga binigay na mga kwarto. Ang team manager ng OG, si Valter “Shootsgud” Gomes ay naglabas din ng sama ng loob sa Twitter.

Ang OG ang two-time defending champions ng TI10. Nakapasok sila sa The International sa pamamagitan ng Western Europe Qualifier matapos ang isang intense na serye laban ang Tundra Esports. Sa DPC, nagtapos sa 35th place ang OG.

Nagpakita ng komportableng kwarto ang Virtus.Pro at T1 

TI10
Credit: Virtus.Pro

Sabi ng Team Spirit na ang pamahagi ng mga kwarto ay base sa DPC rankings ng mga teams. Ang Virtus.Pro, ang third place sa Dota 2 Pro Circuit, ay nagpost ng mga imahe ng kanilang practice rooms sa Twitter at mukhang mas maluwag ang mga ito. 

Ang T1 naman ay pang-anim sa kanilang DPC ranking at naglabas sila ng isang video na nagpapakita ng mga kwarto nila, kasama na ang mga PC specs. Mukhang komportable ang T1 sa kanilang mga living arrangements na nakikita sa kanilang video sa Facebook.

Magsisimula ang TI10 sa October 7. Siguraduhing panoorin ang mga action nang live sa Twitch. 

Alamin kung paano nakapasok ang mga teams sa The International 10 sa video na ito, Heroes of the Game documentary ng Foodpanda.