Magkakaroon ng live audience nag The International 10 matapos ianunsyo ng Valve na maaaring makadalo ang mga fully vaccinated fans sa naturang palaro.
Nauna nang ipinahiwatig ng nasabing game developer ang posibilidad na magkaroon ng mga manonood ang pinakamalaking Dota 2 world championship ng taon matapos ilipat ang venue nito sa Arena Națională.
Noong ika-17 Setyembre, kinumpirma na nila ito matapos ilathala ang mga detalye tungkol sa ticket sales para sa TI10.
Ticket details para sa TI10

Nakatakdang ganapin ang prestihiyosong palaro simula ikapito hanggang ika-17 ng Oktubre.
Narito ang mga petsa, presyo, at bundles ng TI10 tickets:

- Midweek 1 (October 12 and 13): 249 Lei (US$60)
- Midweek 2: (October 14 and 15) 249 Lei (US$60)
- Finals: (October 16 and 17) 999 Lei (US$240)
Nagsimula ang bentahan ng mga tiket noong ika-22 ng Setyembre.
18 sa pinakamalalakas na koponan sa buong mundo ang lalahok sa turneo. Nakasasalay dito hindi lang ang pinaka-aasam na Aegis of Champions, kung hindi pati na rin ang pinakamalaking prize pool sa kasaysayan ng esports na USD$40,018,195.