Sa kauna-unahang pagkakataon, gaganapin sa Southeast Asia ang The International, ang pinakamalaking event ng Dota 2  ay pupunta sa Singapore para sa ika-11 edisyon nito.

Unang nagbigay paramdam ang official Dota 2 Twitter account tungkol sa Garden City nang magpost ito ng iba’t ibang mga larawan ng mga minifigures sa Singapore. Marami ang nakahula kung saan kuha ang mga litrato, pero ang opisyal na kumpirmasyon ay inilabas sa grand finals ng Stockholm Major na sinamahan ng isang social media post.

Huling nag-host ang Singapore ng isang Dota Pro Circuit event noong 2021 sa ONE Esports Singapore Major, kung saan napanalunan ng Invictus Gaming ang kanilang unang Major title sa isang makatindig-balahibong comeback laban sa Evil Geniuses.

Invictus Gaming Singapore Major Champions
Credit: ONE Esports

Para sa mga hindi na makapaghintay na magplano ng kanilang schedule, ang TI11 ay gaganapin sa October. Hindi pa nakukumpirma ang mga eksaktong petsa, ngunit malamang ay isasabay ito sa ticketing information.

Ang DPC ay meron pang nakatakdang dalawang LAN events – ang Arlington Major sa August, at ang last-chance wildcard kung saan maglalaban ang 12 teams para sa dalawang spots – bago mapunta sa Garden City para sa pagtatapos ng competitive season ng 2022.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.