Isa si Medusa sa mga pinakamalalakas na carry sa Dota 2. Sa professional Dota 2 scene, may mga panahon na hindi pinapansin ang hero, pero sa mga pagkakataon gaya ng mga nakalipas na turneo, sakit sa ulo ang hatid nito bilang kalaban.
Ikalawa sa pinaka-contested na carry sa The International 10 regional qualifiers ang naturang hero. 185 beses itong na-pick o na-ban sa 291 kabuuang laban sa anim na rehiyon. Nagtala rin ito ng nakamamanghang 63.04% win rate.
Sikat ang naturang carry sa meta ngayon dahil sa bilis nitong mag-farm. Maganda rin ang pag-scale nito sa laro, lalo na kung mabubuuan ng tamang items, makunat kumpara sa ibang carry, at tumatagos pa ang kanyang ultimate sa spell immunity na mabisa sa mga team fight.

Bagamat hindi maipagkakaila ang kanyang lakas, hindi ibig sabihin nito na hindi na siya mapipigilan. Narito ang ilang tips para ma-counter si Medusa.
Pumili ng mga hero na mabisa kontra kay Medusa
Dark Seer

Gana bilang pangontra si Dark Seer sa karamihan ng mga carry sa Dota 2. Solid ang Ion Shell niya sa laning phase dahil hinahayan siya nito na makapag-farm nang ligtas. Kapag naman nakapag-Aghanim’s Scepter, mas pinapakunat din ng nasabing skill ang mga nilalagyan nito.
Hindi rin matatawaran ang bisa ng Vacuum dahil importante para sa mga carry gaya ni Medusa ang tamang position sa mga team fight. Kung mapapatama nang maayos, matutulak nito ang hero palayo sa kanyang mga kakampi o mas malala, maipit sa cliff.
Mabisa rin ang Surge bilang pang-opensa o depensa. Pwede itong ipanghabol lalo na’t walang mobility skills at mababa rin ang movement speed nito para sa isang Agility hero. Maaari rin itong gamitin upang mas madaling maiwasan ang Stone Gaze.
Bukod sa mga nabanggit, hard counter din ang ultimate ni Dark Seer na gumagawa ng mga illusion ng mga kalaban. Kung kukunin ang level 15 talent nitong +25% Wall of Replica illusion damage, pwedeng maging mas masakit ang mga ito kesa sa totoong hero.
Dahil madalas na pampakapal ng stats ang mga item na binubuo para kay Medusa, siguradong magdudusa ang mga kalaban sa mga Wall of Replica illusions nito.
Sa kabuuan, malakas na pangontra si Dark Seer dahil sa steady nitong laning phase, kakayahang i-buff ang sarili at kampi, pati na rin ang kanyang kakaibang ultimate.
Anti-Mage

Kung normalan lang din naman ang usapan, si Anti-Mage na pinakamabisang carry-to-carry counter kay Medusa.
Lahat ng skills ni AM ay mabisa kontra dito. Kung iisipin, walang kakayahan si Medusa na habulin ito dahil sa kakulangan nga nito sa mobility, bagay na tanyag sa katapat nito salamat sa Blink.
Syempre, nariyan din ang Mana Break. Para kay Gorgon, ang tanging dahilan kung bakit nakakatagal ito sa mga team fight ay dahil sa kanyang Mana Shield na nagre-rely sa mana, bagay na kayang-kaya ubusin ni AM lalo na ‘pag may tulong ng Manta Style illusions. Isang pitikan na lang ng Mana Void at tiyak na minus one na ang kalaban sa mga team fight.
Bagamat bihira umayon sa meta, hindi pa rin mababago ang katotohanan na hard counter si AM para sa hero.
Nyx Assassin

Sa lahat ng mga support sa laro, si Nyx Assassin na ang pinakamabisang pangontra kay Medusa.
Kaya ni Nyx na mang-stun ng kalaban nang higit pa sa limang segundo kung masasakto ang timing ng Spiked Carapace at Impale. At dahil halos walang kontrol si Medusa kung kanino tatama ang Split Shot at Mystic Snake, mas madali mapatama ang third skill ni Nyx dito.
Solid din ang Vendetta bilang pangpitas. Sa early game, madalas na binibigyan ang carry ng space para makapag-farm. Gamitin ang invisibility at dagdag movement speed ng ultimate para i-gank ito sa mga neutral camp at ma-delay ang item progression.
Gaya kung paano gumagana ang Mana Break at Mana Void ni Anti-Mage, hard counter din ang Mana Burn ng support hero. Hindi lang ang mana, kung hindi pati na rin buhay ang kaya nitong lusawin, lalo na kung puro pangdagdag stats ang buo ng kalabang Medusa.
Kontrolin ang mga jungle area

Mahalagang makapag-farm si Medusa para magkaroon ng bilang sa kabuuan ng laro. Ito ang dahilan kung bakit madalas itong tumira sa jungle area pagkatapos ng laning phase, at lalabas na lang hanggang makabuo ng sapat na items.
Isa sa mga mabisang paraan para mapabagal ang pag-farm nito ay ang pag-control sa jungle area. Maaaring ang ibig sabihin nito ay hanapin siya nang hanapin para patayin pero pwede rin na taniman ng Sentry Wards ang mga neutral camps para hindi mag-spawn ang creeps.

Malilimitahan nito ang mga lugar na pwedeng galawan ng hero at mapepwersa rin ang mga support na gumastos ng gold para lang tanggalin ang mga nasabing ward.
Bumuo ng mga Aura items at Heaven’s Halberd

Nakasalalay ang bisa ni Medusa sa masakit nitong physical damage. Kung tutuusin, kaya nitong makipag-one-versus-five kaya’t pati ang mga pro teams ay hirap makipaglaban kontra dito.
Hindi maiiwasan na ma-normal ni Medusa sa mga team fight kaya’t mainam na bumuo ng mga defensive aura items para maibsan ang kanyang damage. Solid ang Assault Cuirass, Vladimir’s Offering, Guardian Greaves, at Crimson Guard para dito—ilang items na standard build din para kay Dark Seer.
Sa clip na ito, makikita na 190-200 ang bawas sa mga Tiny kada palo. Sa pagdampot ng mga aura items, ito ay nabawasan sa 120 kada hit.
Kung masyadong marami at mahal ang mga items na ito, pwede rin namang ‘wag na lang siyang papaluin. Isang Heaven’s Halberd lang ay sapat na para mapawalang silbi ang hero sa loob ng limang buong segundo.
Ang kagandahan din sa item ay hindi ito nadi-dispel. Kahit mag-Manta Style o Black King Bar pa, hindi matatanggal ang Disarm debuff ng nasabing item.
Praktisin ang mga hero, tips, at itemization na ito para hindi na magdusa tuwing may Medusa.