Panalong-panalo ang Filipino esports organization na TNC Predator sa ikalawang araw ng WePlay AniMajor Group Stage matapos ang upset laban sa beastcoast at Team Nigma.

Matapos ang 1-3 na simula sa unang araw ng Group Stage, bumalik ang TNC Predator sa drawing board upang mag-isip ng bagong strategy at iligtas ang kanilang team mula sa pagkaka-eliminate.

Nagpasiklab din sina Kim “Gabbi” Villafuerte and Armel “Armel” Tabios para sa TNC Predator, at nahigitan ang carry at midlaner ng kalaban.

Mukhang mas mahusay ang TNC Predator ngayon dahil sa kanilang drafts

Nang magsimula ang team sa WePlay AniMajor, gumamit sila ng mga meta picks gaya ng hard carry Drow Ranger at offlane Night Stalker. Dahil sa mga heroes na ito, kinailangan ng TNC Predator ng early map control para ma-outplay ang kalaban sa mga team fights.

Pero dahil halos lahat ng teams sa Major ay magaling sa pag secure ng objectives at pagkuha ng sapat na farm para sa kanilang core heroes, nadehado ang TNC Predators.

At dahil dito, nagpasya ang Pinoy squad na magpalit ng diskarte. Gumamit sila ng mga self-sufficient cores na kayang mag-focus sa farm para makapagbuhat sa late-game team fights.

Ito ang naging susi para makuha ng TNC Predators ang mga crucial wins laban sa  beastcoast at Team Nigma sa day two.

Dota2 TNCPredator TeamNigma AllSupportBan
Credit: WePlay! Esports

Napagdesisyunan pa nga ng TNC Predator na mag-all support hero ban sa game two laban sa Team Nigma. Dahil wala ang Io ni Maroun “GH” Merhej o ang Enchantress ni Kuro “KuroKy” Takhasomi, hirap na hirap ang Team Nigma sa mga kalabang Filipino.

Nagpasiklab sina Gabbi at Armel sa mga kalaban sa WePlay AniMajor

Dota2 TNC Predator WePlay AniMajor GroupStage
Credit: WePlay! Esports

Sa simula ng Major, di naman kinilalang mga top carry o midlane players sina Gabbi at Armel.

Ang mga kilalang talents sa WePlay AniMajor ay mula sa ibang mas sikat na region, tulad nina Héctor Antonio “K1” Rodríguez ng beastcoast, at Amer “Miracle-” Al-Barkawi ng Team Nigma, na ilang taon nang mga top performers sa international level.

Matapos makita kung paano higitan nina Gabbi at Armel ang kanilang mga katapat, mas kinatatakutan na ang Filipino squad sa kanilang pagpatuloy sa kanilang run sa WePlay AniMajor. Sa kanilang laro laban sa beastcoast at Team Nigma, si Armel ay nakakuha ng average na 9.75/4.75/11 KDA.

Mas matindi naman ang pinakita ni Gabbi na may 9.75/2.5/12.75 KDA, isama mo pa ang best highlight of the day nang makakuha sya ng Rampage laban sa beastcoast gamit ang kanyang Phantom Assassin.

TNC Predator umakyat sa 2ndplace sa standings

Dota2 WePlay AniMajor GroupStage Day2 Standings
Credit: WePlay! Esports

Dahil sa kanilang 4-0 performance sa day two ng Group Stage, tabla na sa ikalawang pwesto ang TNC Predator kasama ng Evil Geniuses, Team Nigma, at Vici Gaming. Kasalukuyan naming nangunguna ang PSG.LGD na may 6-2 record.

Sa kabilang banda, nasa bingit na ng pagkaka-eliminate mula sa WePlay AniMajor ang Team Spirit, beastcoast, at Team Liquid.

Para sa mga resulta, schedule, format, prize pool, at iba pang impormasyon tungkol sa WePlay Animajor, i-click ito.