Free agents na simula ika-15 ng Setyembre ang mga miyembro ng TNC Predator na sina Kim “Gabbi” Villafuerte, Armel “Armel” Tabios, Jun “Bok” Kanehara, Timothy “Tims” Randrup, at Marvin “Boomy” Rushton.

Inanunsyo ng Philippine-based esports organization ang nasabing desisyon sa social media. Ayon sa kanila, ito raw ay base sa napagkasunduan ng mga manlalaro at organisasyon matapos mag-usap-usap patungkol sa ‘individual growth’.

Credit: TNC Predator

“We would like to formally announce that the full roster of TNC Predator will be free agents on September 15, 2021. The organization and its players have discussed in terms of individual growth and have come to an agreement that this would be the best decision moving forward,” sulat ng koponan.

Ang DPC 2021 Season ng TNC Predator

Bumalik sa all-Filipino roster ang koponan pagpasok ng ikalawang season ng Dota Pro Circuit 2021. Ni-recruit ng koponan mula sa Omega Esports sina Bok at Boomy para palitan sina Damien “kpii” Chok at Kim “Febby” Yong-min.

TNC Predator Dota 2
Credit: TNC Predato

Gumanda naman ang naging resulta ng koponan matapos nilang tapusin ang DPC 2021: Season 2 SEA Upper Division sa ikalawang puwesto at maka-qualify sa WePlay AniMajor, ang ikalawang Major tournament ng taon.

Tinapos nila ang kanilang kampanya sa naturang turneo sa 7th-8th na puwesto para makapag-uwi ng 200 Dota Pro Circuit points. Sa kabila nito, hindi pa rin ito naging sapat upang maging directly qualified ang koponan sa The International 10.

Naka-abot sa grand final ng Southeast Asia qualifier para sa taunang Dota 2 world championship ang koponang pinangungunahan ni Boomy ngunit bigo silang maselyo ang tiket papuntang Romania matapos silang ma-reverse sweep ng Fnatic Dota.

TNC Predator sa WePlay AniMajor
Credit: TNC Predator

Bago ilathala ang naturang desisyon ngayong araw, pinabatid din ng organisasyon na magta-time out muna sa competitive Dota 2 ang kanilang koponan hanggang sa susunod na TI season.


Samantala, inanyayahan din ng TNC Predator na tumutok sa kanilang opisyal na Facebook page bukas, ika-14 ng Setyembre, para sa isang exclusive interview.