Maaaring ito na ang huling pagkakataon na makakapaglaro ang midlaner ng OG na si Topias “Topson” Taavitsainen sa The International.

Ipinahayag ng two-time Aegis of Champion bearer sa isang panayam, tungkol sa kanyang buhay, karera, at pamilya, sa Finnish newspaper na Ilta-Sanomat ang kanyang saloobin.

“There used to be only a career, now there is a family and a career. Of course, it’s harder to focus on my career these days, and I’ve been thinking about taking a break so I can make more time for my family,” paliwanag ni Topson.

Topson kasama ang kanyang pamilya. Ang litrato mula sa kanyang Instagram page.
Credit: topson.gg

Kasalukuyang naglalaro ang kanyang koponan sa Western Europe qualifier para sa ika-10 edisyon ng Dota 2 world championship. Ngunit kahit ano pa man daw ang maging resulta ng kanilang kampanya, nais ng manlalaro na mag-focus muna sa kanyang pamilya pagkatapos nito.

“I feel a little like this could be the last TI for me, although I can’t say anything for sure. Anyway, after the tournament, I’m going to take a long break and focus on my family. At the same time, you can wonder if I’m going to continue as a player or do something else,” dagdag niya.

Ang mga pagbabago sa OG at kay Topson simula TI9

OG sa The International 2019
Credit: Valve

Dalawang miyembro na ng OG—ang carry nilang si Anathan “ana” Pham at soft support player na si Jesse “JerAx” Vainikka—ang nagretiro mula sa koponan matapos ang makasaysayang back-to-back championship win nila sa The International.

Samantala, nagkaroon naman ng pamilya ang 23-anyos na manlalaro matapos ang kanilang panalo noong 2019. Dahil dito, nag-iba ang kanyang priorities at mahirap daw pagsabayin ang buhay-pamilya tsaka ‘playing career’.

Ibinahagi rin ni Topson na sumagi na rin sa isip niya kung dapat pa ba niyang ituloy ang paglalaro. Nangyari ito noong nakaraang taon matapos ma-cancel ang ESL One Los Angeles 2020, isang Major tournament kung saan naka-qualify ang OG, dahil sa banta ng COVID-19.

“I felt so much like I’d rather live a normal life for at least a little while. But we talked about things with the team and I decided that while they still wanted to play, so do I,” kuwento niya.

Bagamat hindi pa sementado ang kanyang mga desisyon, ipinahiwatig ni Topson na bukas ang kanyang isip sa posibilidad na maging streamer o analyst sa mga Dota tournament.

Topson with two Aegis of Champions
Credit: OG

“I’ll probably stick with Dota even if I don’t play anymore,” sabi niya.


Nakilala si Topson noong 2018 matapos siyang kunin ng kanyang koponan para maglaro sa open qualifiers ng The International. Bago ito, naririnig lang ang kanyang pangalan bilang pub player na notoryus sa mga out-of-meta builds.

Katulad dati, hindi rin naging maganda ang performance ng OG sa Dota Pro Circuit. Bigo silang makapasok sa dalawang Major tournament ng taon kaya’t kinakailangan nilang dumaan sa qualifier, kasama ngayon ang Team Nigma, Alliance, at Team Liquid, upang madepensahan ang kanilang titulo.