Ang The International 10 ang pinakamalaking Dota 2 even na nakita natin sa mahabang panahon. Kahit na pang-10th ito, napakaraming unang milestones na nagpatunay na hindi malilimutan ang tournament na ‘to.

Mahigit isang linggo na simula natapos ang The International 10, ngunit hindi pa din nalilimutan ng mga Dota 2 fans ang lahat ng mga magagandang storylines na nakita nila.

Sa 338 tournament matches nalaro at sa dalawang nakakaaliw na show matches sa TI10, ito ang lahat ng mga unang milestones na nangyari sa event.

Ang kumpletong listahan ng mga unang milestones sa The International 10 (TI10)

Naing kauna-unahang Russian TI champions ang Team Spirit 

TI10
Credit: Valve


Matapos ang sampung taon ng paglalahok sa TI, umangat na ang Aegis of Champions sa Russia.

Natalo ng Team Spirit ang mga top Dota 2 teams sa buong mundo at nakoronahang TI10 champions matapos nilang patumbahin ang PSG.LGD sa isang thrilling na 3-2 grand final series.

Ang milestone na ito ay nagbigay pansin muli sa CIS region, at pinuri pa sila ng kanilang pangulo na si Vladimir Putin.

Naging kauna-unahang player na makakuha ng tatlong rampage sa tatlong iba’t-ibang matches si Yatoro 

Yotoro sa TI10
Credit: Valve

Ang carry player ng Team Spirit na si Illya “Yatoro” Mulyarchuk ay nagpakitang gilas bilang kaisa-isang Dota 2 player na mayroong tatlong Rampage sa main stage ng The International.

Nakamit ni Yatoro ang milestone na ito sa kaniyang career matapos niyang makakuha ng dalawang Rampage laban ang Invictus Gaming sa upper bracket quarterfinal at lower bracket semifinal matches.

Ang 18-year-old carry player ay nakasungkit ng kaniyang pangatlong Rampage sa lwoer bracket final matapos niyang durugin ang Team Secret sa Sven.

Si Moxxi ang kauna-unahang babae na mag-PBP cast sa main stage ng The International

Moxxi sa TI10
Credit: Michelle Song, Valve

Si Michelle “Moxxi” Song ang unang babae na mag play-by-play cast sa isang serye para sa English broadcast ng The International. Kasama ang kaniyang co-caster na si Kevin “Purge” Godec, nagbigay ang duo ng magandang insight sa upper bracket semifinal match ng Team Secret at Invictus Gaming.

Dapat si Austin “Capitalist” Walsh ang mag-ca-cast sa match ngunit nag-pull out siya sa caster schedule dahil sumama ang pakiramdam niya bago ang broadcast.

Naging kauna-unahang babae si Ephey na maglaro sa showmatch ng The International

Credit: Ephey

Sa pagpatuloy ng trend ng pagwasak ng mga hadlang at pagkamit ng mga milestones, naging unang babae si Mira “Ephey” Riad na maglaro sa main stage ng The International sa nakakaaliw na All Random Deathmatch showcase sa pagitan ng English at Russian broadcast talent.

Tinalo ng Russian broadcast ang English team 45-41 na naging sanhi ng nakakatawang post-game interview mula sa TI10 host na si Jake “Siractionslacks” Kanner.

Nag-collab ang mga first-time international musical artists na sina JJ Lin at Lindsey Sterling para sa isang Dota 2 event

Bagamat walang live fans ito dahil sa pandemya, matindi pa din ang epekto ng opening ceremony ng TI10 sa Dota 2 community. Naghatid ng performances nina JJ Lin at Lindsey Sterling sa kanilang kauna-unahang collaboration, kasama ang sikat na DJ na si DJ Darude.

Ang dalawang magagaling na artistang ito ay nag-perform na sa mga dating Dota 2 events. Nagpa-concert si JJ Lin kasama ang mga musical composers na sina Tim Larkin at Tommy Tallarico sa Shanghai Major noong 2016. Sa taong din yon ay nag-perform si Lindsey Sterling sa opening ceremony ng TI6 habang naka-cosplay bilang Windranger.

Si Puppey ang una at natatanging player na lumahok sa bawat TI

Credit: Team Secret

Ang dating TI1 champion kasama si Natus Vincere at ngayong pinuno ng Team Secret, si Clement “Puppey” Ivanov ay naging kauna-unahang Dota 2 player na lumahok sa bawat TI. 

Nalagpasan niya ang kaniyang dating teammate na si Kuro “KuroKy” Takhasomi dahil hindi nakapasok ang Nigma Galaxy para sa The International 10.

Naging unang team na matalo sa lahat ng kanilang games sa TI ang Thunder Predator

Credit: ONE Esports

Ang South American Dota 2 squad na Thunder Predator ang nagkaroon ng pinakamahirap na karanasan sa TI history matapos silang matalo sa bawat match sa TI10, at dahil diyan, sila ang unang team na natalo 0-16 sa group stage. 

Ang TI10 ang kauna-unahang Dota 2 world championship na walang live audience at live opening speech mula kay Gabe Newell

Credit: Valve

Dahil sa kasalukuyang COVID-19 global pandemic at ang patuloy na pagtaas ng positive cases sa Romania bago ang tournament, inanunsyo ng Valve na hindi magkakaroon ng live audience ang TI10 para sa kaligtasan ng mga players, staff, at talents.

Kahit ang Valve president na si Gabe Newell ay wala sa attendance as Bucharest. Dahil diyan, ang TI10 ang unang Dota 2 world championship event kung saan wala sa attendance si Gabe Newell, na naging isang tradisyon simula ng pinakaunang International. 

Gusto mo pa ba ng aksyon sa Dota 2? Panooring ang Heroes of the Game documentary na hinatid ng foodpanda.