Pagdapo ng Oktubre, aalingawngaw na naman ang pinakamalaking Esports event sa mundo. 18 na kupunan ang magsasagupaan para nakawin ang USD $40 million prizepool sa The International 10. Labing-dalawa sa mga kupunang ito ay nagmula sa Dota Pro Circuit (DPC) habang ang natirang anim naman ay lumusot mula sa Regional Qualifiers.

Nagsimula ang TI sa 16 kupunan sa  apat na rehiyon na kinabibilangan ng China, America, Southeast Asia at Europe noong 2011. Lumawak ito sa 18 teams pagdating ng 2017 kung saan bagong salta noon ang South American region at nahati naman ang Europe sa East at West Europe. Magmula noon ay walang pagbabagong naganap sa bilang ng mga grupong sasabak para sa torneyo.

Bakit ba dapat pag-aralan ng Valve ang pagdadag ng teams sa liga?


Makakatulong ito sa pabubukas ng mga bagong regions

Credit: Sheever

Ang team Infamous ang unang kupunan na lumusot sa The International sa unang Regional Qualifiers na ginanap sa South American region. Hindi naging mapalad ang biyahe ng kupunan sa TI 7 kung saan nagtapos ang kanilang karera sa 13th-16th place.

Pagdako ng TI 9, malaki ang improvement na ipinakita ng organisasyon kung saan mas desenteng 7th-8thplace naman ang kanilang naselyo. Hindi lang ang kupunang ito ang patuloy na napanday ng panahon dahil sa pagpasok ng TI 10, tatlong South American teams ang mag kakatawan sa rehiyon.

Tabla ang South America sa North America at Western Europe sa bilang ng representatives na babalagbag sa paparating na The International. Pumangalawa lamang sila sa China na may limang kupunan.

Testamento ang bilang ng kakatawan sa rehiyon sa talentong mayroon dito, gayundin sa impluwensiya ng pamumuhunan ng Valve sa rehiyon. Kung gusto ng Valve na ipagpatuloy ang paglawak ng Dota 2, ang pagdagdag ng mas maraming kupunan sa TI na galing sa bagong bubuin regions ay makakatulong para mapalapit sa layuning ito.

Mas maraming oportunidad para sa mga teams

Credit: Wykrhm Reddy

Hindi lingid sa kaalaman na top-heavy ang Dota 2 sa usapang prize distribution. Sa katunayan, 45% ng total prize pool ang napapasakamay ng kampyon, napalaki kung ihahambing sa 0.25% na nakukuha ng last place.

Kung dadagdagan ang mga kupunan, maaaring maging mas patas ang distribusyon na ito. Mapupuwersa ang Valve nitong lumikha ng bagong format dahil sa bilang ng lalahok na kupunan na maaaring magbalanse sa prize distribution na ito.

Mas maraming Dota 2, mas masaya!

Hindi maikakailang napaka-exciting ng naganap na Regional Qualifers para sa The International. Tampok dito ang iba’t-ibang strategies at approaches ng mga rehiyon sa kani-kanilang gameplays, mga playstyles ng mga pro at hero pools nila. Kung ganoon, bakit hindi samatalahin ng Valve ito at mas palawakin ang oportunidad?

Maibibigay ng Valve ang tunay gusto ng mga fans: maiinit na Dota 2 games. Kung tatantiyahin, mas hahaba din ang pagtakbo ng pinakamalking Esports event sa taon. Hindi ba’t mas masaya?


May negatibong epekto din ba ito?

Siyempre, mas magastos

Credit: SBP

Hindi natin alam kung gaano kalaki ang pinupuhunan ng Valve para maisagawa ang napakalaking ligan a ito. Ngunit, siguradong hindi ito tatakbo sa maliit na halaga.

Ang pagdagdag ng kupuna ay hindi lamang nangangahulugang mas maraming matches sa torneyo, karagdagang araw din ito para sa kupunan para sa accommodation, equipment, crew, air time, at marami pang iba. 

Maaaring pagsamantalahan ang Regional Qualifiers

Credit: Wykrhm Reddy

Kung mapagdedesisyunan ng Valve na magdagdag ng mga bagong teams sa TI sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga bagong rehiyon, may posibilidad na maabuso ito para mapuwersa ang qualification.

Napakaposible na may mga team na lumipat sa Australia, Africa o Middle East para lamang makaselyo ng spot sa The International sa Qualifiers. Mapapabagal ng pag-abuso na ito ang paglawak ng title sa mga bagong rehiyon.


Kung titignang maigi, may mga pros at cons ang pagdaragdag ng mga kupunan na lalahok sa paparating na The International. May mga negatibo mang posibilidad ay hindi maikakailang mas mabigat ang mga positibong mangyayari kung maisasagawa ito.