Inanunsyo ng European esports organization na Vikin.gg na disbanded na ang kanilang Dota 2 roster, ilang araw matapos ang regional qualifiers para sa The International 10.

Bigo ang koponan na makuha ang nag-iisang slot ng Western Europe para sa taunang Dota 2 world championship, na siyang naging dahilan ng kanilang pagkaka-disband. Natalo ang Vikin.gg kontra OG, 1-2, sa upper bracket, at nilaglag naman sila ng Chicken Fighters, 0-2, sa lower bracket.
Ipihanayag ng coach ng koponan na si Daniel “ImmortalFaith” Moza na hindi na magsasama-sama ang mga manlalaro at lahat ng mga ito ay free agaent na.
Dota 2 roster ng Vikin.gg noong TI10 WEU Qualifier
- Indji “Shad” Lub
- Miroslav “BOOM” Bičan
- Maurice “KheZu” Gutmann
- Adam “Aramis” Moroz
- Melchior “Seleri” Hillenkamp
Samantala, ipinahiwatig naman ni Jacob “Maelk” Toft-Andersen, Vice President of Esports ng 100 Thieves, na hindi na dapat magulat kung nagsisimula na ang mga esports organization na pakawalan ang kanilang mga Dota 2 team.
Aniya, posibleng sa susunod na lima o anim na buwan pa muli magkakaroon ng Dota Pro Circuit, dahil sa pagkaka-delay ng The International 10.
Nakatakda sanang ganapin ang palaro sa Agosto, ngunit na-reschedule ito sa paparating na Oktubre matapos ilipat ang venue sa Bucharest, Romania.