Isa si Viper sa mga hero na pinakamahirap katapat sa lane. Noong mga nakaraang tournament, namayagpag ang hero bilang ika-30 sa mga most picked sa WePlay AniMajor, at ikalima bilang most contested hero noong regional qualifiers para sa The International.
Solid pang-box-out ang Poison Attack niya, pati na rin ang AoE ability na Nethertoxin na meron pang Break mechanic.
Sa kabila nito, meron pa ring taglay na kahinaan ang hero. Tinanong namin ang The International 2013 third-place finisher na si Lee “kYxY” Kong Yang para sa ilang advice kung paano nga ba maglaro kontra Viper—sinong heroes ang pwedeng i-pick, anong mga item ang dapat bilhin, at anong mga strategy ang dapat gawin.
3 Dota 2 heroes na pang-counter kay Viper
Riki

Ipinaliwanag ni kYxY na isa sa strengths ni Viper ay ang kakayahan niyang mang-harass sa lane. Para kontrahin ito, magandang ideya ang pagpili ng cores na kayang makipagbakbakan sa early game gaya ni Riki.
Kung iisipin, hindi tipikal na counter si Riki sa naturang kalaban, pero pinaliwanag ni kYxY na dahil sa mas maganda nitong laning stage at high mobility, mas madali niyang masu-survive ang early game lalo na kung paparisan pa ng lane supports gaya nina Grimstroke o Witch Doctor.
Kaya rin i-dodge ni Riki ang mga auto-attack, Poison Attack, at kalauna’y Viper Strike salamat sa Tricks of the Trade. Wala rin problema para dito na makalapit sa kalaban dahil sa Blink Strike, na pwede rin gamitin upang pangtakas.
Isa sa mga kahinaan ni Netherdrake ay ang mabagal niyang movement speed. Maaari itong abusuhin ni Riki gamit ang Smoke Screen na nagsa-silence at nagpapa-miss din sa atake ng mga nasa loob nito.
Dark Seer

Hindi direktang counter si Dark Seer kay Viper sa laning stage, pero kaya nitong balewalain ang mga ability ng naturang kalaban lalo na ‘pag nagsimulang magsama-sama ang mga manlalaro.
Dahil sa Ion Shell, hindi masyado kailangan lumapit ni Dark Seer sa creeps para makapag-farm. Okay din ang Aghanim’s Scepter na nagbibigay ng dagdag 300 health sa lalagyan ng skill para matangke ang damage ng kalaban.
Surge naman ang pangunahing dahilan kung bakit effective counter si Dark Seer. Dahil walang stun ang kalaban, madali lang nitong matatakbuhan ang hero kahit pa may sangkatutak itong slow.
Ang classic na Vacuum + Wall of Replica combo rin ay mabisa laban sa hero lalo na sa mga team fight. Kung slow ang isa sa strengths ni Viper, ang sarili niyang slow ay isa rin sa mga pangunahing panglaban sa kanya.
Abaddon

Crucial ang damage-per-second at slow sa hero kit ni Viper kaya’t matinding pangontra laban dito ang mga hero na may kakayahang mang-dispel, gaya ni Abaddon.
Kayang tanggalin ng Apothic Shield ang lahat ng stacks ng Poison Attack gayon din ang DPS ng Corrosive Skin. Bagamat undispellable ang Viper Strike at Nethertoxin, nami-mitigate naman ng parehong skill ang mga damage nito, at kaya pang mang-heal gamit ang Mist Coil.
Kung si Abaddon naman ang uunahin ni Viper, mayroon naman itong Borrowed Time na ginagawang heal ang damage, bukod pa sa pag-dispel ng negative buffs. Paalala lang ni kYxY na ‘wag tambayan ang Nethertoxin dahil hindi magpo-proc ang naturang ultimate dahil sa Break mechanic nito.
Dagdag niya, ito ang dahilan kung bakit dapat mag-draft ng mga hero na kayang mang-dispel. Bukod kay Abaddon, pwede rin daw si Oracle dahil na sa kakayahan nitong mang-save.
Melee heroes ang kadalasang nagdudusa kay Viper dahil kailangan pa nila lumapit para lang makipagsapakan. Pero kahit na ganito kadalasan ang sitwasyon, mayroon pa ring 55% win rate kontra sa nasabing hero si Abaddon.
Tips and Tricks: Tropa mo ang Manta Style, Force Staff, at Lotus Orb

Mas madaling kalabanin si Viper pagdating sa late game pero hindi pa rin ito ganun kadali i-etsa-puwera kaya’t ito ang ilan sa mga item na pwedeng bilhin pangontra sa kanya:
Solid ang Manta Style para sa mga carry dahil sa dispel ng active ability nitong Mirror Image. Kung masasaktuhan din nang maayos, kaya nitong i-dodge ang projectile ng Viper Strike.
Para naman sa mga offlaner at support, nirekomenda ni kYxY ang Lotus Orb. Hindi lang tinatanggal ng Echo Shell ang negative buffs ng mga skill, nire-re-cast din nito ang Viper Strike pabalik kay Viper.
Ayos din ang Force Staff para sa mga support para mas madaling makagawa ng space palayo o papalapit kay Netherdrake.
Tips and Tricks: Pabayaan niyo na lang si Viper

May mga pagkakataon talaga na hindi mapipigilan sa lane si Viper. Kung mag-snowball man to sa farm at level, mas mabuti raw ayon kay kYxY na hayaan na lang ito.
Nakasalalay ang lakas ni Viper sa early snowball potential nito. Dahil mas malakas siyang pumatay ng hero kesa mag-push ng tower nang mabilis, mas okay na iwan na lang ito at mag-farm sa ibang lane o sa jungle.
Dagdag ni kYxY, ang pwede lang gawin ni Viper sa pagkakataong ito ay ang maghabol ng kalaban o mag-push ng towers, dalawang bagay na hindi tanyag sa kanya. Dagdag puntos pa na hindi maganda ang pag-scale ng hero sa late game.
Kung hahayaan ito, tataas din ang potential na makapatay sa ibang lane, at mas mabuti raw ito kesa ubusin ang Tango o Healing Salve para lang tapatan ito sa lane.
I-follow si kYxY sa Facebook at Twitter para maging update sa competitive Dota 2.