Naghahanda na ang WePlay AniMajor Group Stage para maging isang barn burner!
Maguumpisa ang Group Stage ngayong gabi, June 4, 7:00 p.m. GMT+8. Ang walo sa pinakamahusay na Dota 2 teams ay maglalaban-laban sa isang best-of-two, single round-robin kung saan ang top na anim na teams ang uusad sa Playoffs.
Dahil ang WePlay AniMajor ang final stop para sa mga umaasang makakuha ng sapat na DPC Points para makakuha ng imbitasyon sa The International 10 at maiwasan ang Regional Qualifiers, naglista kami ng mga teams na nakikita naming mag-ooverperform sa susunod na limang araw ng Group Stage.
Kasalukuyang mayroong apat na teams na nakakuha ng sapat ng DPC points para mag-qualify sa TI10 – ang Evil Geniuses, Virtus.pro, Invictus Gaming, at Team Secret.
Ang ibig sabihin nito ang mga natitirang teams sa WePlay AniMajor Group Stage ay nangangailangan ng isang top eight finish kung gusto nila makakuha ng mas DPC points para sa TI10.
Ito ang top five teams na dapat mong abangan sa Group Stage.
Determinadong panalunin ng Team Nigma ang WePlay AniMajor

Mula sa limang teams sa listahang ito, ang Team Nigma ang mayroong pinakakaunting DPC Points, 370. Makikita mo ang pagmamadali nila base sa kanilang Wild Card performance, at dahil dito, gusto nilang panalunin ang WePlay AniMajor Group Stage.
Ang isang 5th/6th finish sa tournament ay maaring hindi pa rin sapat para makakuha sila ng imbitasyon sa TI10, kaya asahan mong sila ay magbibigay todo sa tournament na ito.
Dagadag pa niyan, ang Team Nigma ay nagpanalo ng dalawang malaking LAN events na hinost ng WePlay noon, ang WePlay! Bukovel Minor at ang WePlay! Dota 2 Tug of War: Mad Moon. Kaya kung masunod ang trend na ito, maaring makuha rin nila ang AniMajor.
Dating nahirapan ang Team Nigma sa ONE Esports Singapore Major, noong hindi nakasali sa team si Ivan “MinD_ContRoL” Ivanov dahil sa isang positibong COVID-19 test.
Ang team ay maglalaro gamit ang kanilang full roster ngayon sa WePlay Animajor, sa halip ng pag-fill in ng kanilang coach na si Roman “rmN-” Paley.
Uhaw pa ang all-Filipino roster ng TNC Predator

Kasunod ng Team Nigma ay ang TNC Predator, na kasalukuyang mayroong 372.25 points.
Nagpasya ang organisasyon na mag-shuffle ng players matapos silang maging fourth place sa DPD Season 1 Southeast Asia Upper Division. Pinalitan ng TNC Predator sina Damien “kpii” Chok at Kim “Febby” Yong-min para kina Jun “Bok” Kanehara at Marvin “Boomy” Rushton para makabuo ng full Filipino roster.
Ang team na ito ay nageensayo non-stop simula noon, at nagbunga ito dahil sila ay nagkaroon ng second-place finish sa DPC Season 2 Southeast Asia Upper Division. Nagkaroon sila ng mahusay na run, tinalo nila ang mga top teams tulad ng Fnatic, OB.Neon, BOOM Esports, at Execration.
Mas lalo pang gagaling ang TNC Predator habang mas maglalaro ang roster na ito sa WePlay AniMajor Group Stage.
Maari maging dark horse ang Team Spirit sa WePlay AniMajor Group Stage

Para sa mga hindi pamilyar sa CIS region, ang Team Spirit ang naging surprise team na angtapos nang pangalawa sa ESL One DPC Easter Europe Season 2 Upper Division.
Sa kanilang run na iyon, tinalo nila ang Natus Vincere, AS Monaco Gambit, at Team Unique para makakuha ng spot sa WePlay AniMajor Group Stage.
Dating kilala bilang Yellow Submarine, hinarap ng Team Spirit ang mga pinakamahusay na teams mula sa Europe at CIS regions tulad ng OG, Virtus.pro, at Team Secret, at sila ay nagwagi.
Tulad ng Team Nigma at TNC Predator, kailangan maging maayos ang laro ng Team Spirit kung gusto nilang madagdagan ang kanilang 385 DPC Points at mag-qualify para sa TI10.
Gusto ng Team Liquid makamit ang isang bagong level sa WePlay AniMajor Group Stage

Ang European suqad na ito ay matagal na itinuturing bilang isang top contender sa European region. Matapos ang dalawang matagumpay na runs sa una at pangalawang season ng DreamLeague DPC Europe Upper Division, napatunayan ng Team Liquid na ang squad nila ay karapat-dapat para sa WePlay AniMajor Group Stage.
Ang isang malaking x-factor para sa team ay ang pagganap bilang stand-in midlaner ng dating TI5 champion na si Syed “SumaiL” Hassan.
Bumagay naman si SumaiL sa draft-oriented at methodical playstyle ng Team Liquid. Nakakagulat ito dahil dating kilala si SumaiL bilang isang player na gusto gumawa ng solo plays para sa sarili niya. Ngunit ngayon, siya ay naglalaro sa loob ng team-oriented na sistema ng Team Liquid.
Kasalukuyang mayroong 400 DPC Points ang Team Liquid. Ang isang WePlay AniMajor Group Stage exit para sa European squad na ito ay mangangahulugang kailangan nilang dumaan sa Regional Qualifiers para makapasok sa TI10, at dahil dito, kailangan nila gawin ang lahat para magkaroon ng deep playoff run.
Handa na ang Vici Gaming para magkaroon ng isa pang Major run

Itinuring dati ang Vici Gaming bilang ang pinakamagaling na team sa Chinese region.
Ngunit nagbago ang lahat ng iyon noong nawala ang mga key members ng Vici Gaming bago nagsimula ang 2021 DPC season. Simula noon, hinahasa ng Vici Gaming ang kanilang skills sa DPC China Upper Division, at sila ay nag-qualify para sa ONE Esports Singapore Major at sa WePlay AniMajor.
Nagkaroon ng kahanga-hangang tournament run ang Vici Gaming sa ONE Esports Singapore Major. Umabot sila sa Playoffs mula sa Wild Card. Mula sa lahat ng teams sa listahang ito, sila lang talaga ang may karanasan magkaroon ng isang deep run sa isang Major.
Sa DPC 2021 Points standings, sila ay ranked 13th sa kanilang 600 points. Dahil 12 na direct na imbitasyon lamang ang maibibigay sa The International 10, hindi pwedeng mag-exit ang Vici Gaming sa WePlay AniMajor Group Stage o matanggal nang maaga sa Playoffs.