Nag-abot ng taos-pusong pasasalamat at pakikiramay ang mga manlalarong Pinoy sa WePlay AniMajor sa pamilya at mga minamahal ni Heinrich Don “Heinrich” Abad, na pumanaw noong Linggo dahil sa leukemia.

Sa tweet ng WePlay Esports, inalala nina Don Carlo “BDz” Manalo, Yuri Dave “Yowe” Pacaña, Nikko “Nikko” Bilocura, at Ralph Richard “RR” Peñano ng Execration, pati na rin si Carlo “Kuku” Palad ng T1 ang katanyagan ng yumaong Cebuano Dota player.

Inilahad ng mga mas nakababatang manlalaro kung paano nagsilbing inspirasyon si Heinrich sa pagtupad ng kanilang pangarap na maging pro player.

“Rest in peace Heinrich and condolence to the family. We miss you so much. Alam ko before nakasama kita sobrang saya mong tao, and salamat sa kwentuhan. See you on the other side,” ika ni Bdz.

Binalikan din ni Yowe, na tubong Cebu, kung pano siya minotivate ng tanyag na player at sinabing malaki ang naging ambag nito sa kung sino siya ngayon.

Taos-puso rin ang pagalala nina Jun “Bok” Kanehara at Marvin “Boombacs” Rushton ng TNC Predator sa kanilang dating teammate. Matatandaang naglaro ang tatlo sa ilalim ng Cebu-based Dota team na Arcanys.

Heinrich, Bok, at Boomy sa MPGL Season 6 PH Finals
Credit: Mineski.net

“On behalf of the TNC family and the whole Filipino esports community we would like to share our deepest condolences to the Abad family,” sabi ni Bok.

Pinasalamatan din ni Boomy si Heinrich para sa mga alala nilang tatlo ni Bok.

Nag-abot din ng pakikiramay ang tournament organizer ng ikalawang Major tournament sa pamilya at mga kaibigan na naiwan ni Heinrich.