Kamakailan lang ay nagsara na ang DPC China Tour 1 Division 1 matapos ang na-delay na pagsisimula nito. Nasaksihan dito ang mga malulupit na laro at kakaibang item builds.

Masayang makapanood ng offbeat heroes ngunit kailangan nating suriin kung sinu-sinong heroes ang pinaboran ng mga koponan para matuto tayo at magaya sa ating mga laro.

Narito ang isang deep dive sa meta heroes mula sa 70 matches na naganap sa DPC China Tour 1 Division 1. Lahat ng stats dito ay nagmula sa Dotabuff.


Heroes na pinakamadalas i-pick at i-ban sa DPC China Tour 1 Division 1

5. Death Prophet: 34 picks at 19 bans

Death Prophet isa sa pinaka-contested na heroes sa DPC China Tour 1 Division 1
Credit: Valve

2nd most picked hero sa DPC China Tour 1 Division 1

Si Death Prophet ang isa sa pinaka-flexible na hero sa DPC China Tour 1 Division 1. Pwede siyang ilagay mula sa position-2 hanggang position-5, isa rin siyang disenteng laner bilang core man o support, at kaya niyang manguna sa mga team fight at pag-push gamit ang kanyang ultimate na Exorcism.

Dahil sa kanyang versatility, ginagawa siyang flex pick sa first phase ng mga koponan. Pagdating sa laro, hindi rin siya basta-basta lang kahit sa late game dahil pwede siyang magsilbing tanky frontliner kapag may sapat na items.

Ang pinakamadalas pa ring role ni Krobelus ay midlaner o offlaner pero may mga pagkakataong nilalagay siya sa support role. Gayunpaman, pwede pa rin siyang maging epektibo sa pamamagitan ng pagtaboy sa core ng kalaban gamit ang Spirit Siphon at Exorcism.

Marahil ang kanyang tanging kahinaan ay wala siyang hard stun na madalas hinahanap ng mga koponan mula sa isang support o offlaner.


4. Bane: 37 picks at 20 bans

Credit: Valve

Most picked hero sa DPC China Tour 1 Division 1

Si Bane ang maituturing na “hero of the tournament” sa The International 10 at konti lang ang nagbago kahit natapos na ang Dota 2 world championship. Nananatiling isa sa mga premyadong support si Atropos dahil sa kanyang top-tier laning presence at crowd control skills.

Armado ng isa sa pinakamagagandang base stats sa laro, kahit sino ay mahihirapang i-zone out ang isang Bane. Pabor sa kanya ang harassment trades dahil sa Brain Sap at kaya niyang mag-set up ng kills o mag-save ng kakampi gamit ang Nightmare. Kahit pa ang Enfeeble na itinuturing na pinakamahina niyang skill ay sulit din sa mga lineup na dumidepende sa healing o sa isang physical damage hyper-carry.

Ang kanyang ultimate na Fiend’s Grip ay isa sa mga pinakamahabang spell immunity-piercing disable sa Dota 2 na maganda para i-lock down ang pinakamatabang hero ng kalaban. Eksklusibong nilalaro bilang support, si Bane ay isang perpektong first-phase hero na hindi masyadong nagpapahiwatig kung ano ang magiging lineup ng isang koponan.


3. Io: 14 picks at 46 bans

Credit: Valve

Most banned hero sa DPC China Tour 1 Division 1

Hindi na nakakagulat na si Io ang most banned hero sa kabuuan ng DPC China Tour 1 Division 1. Mula pa noong pumasok si Wisp sa laro, naituring nang game breaking ang kanyang skill set.

Kayang mag-provide ng global presence ang hero na ‘to sa mga hindi mobile na carry gamit ang Relocate na pwedeng makapagpabago ng kahihinatnan ng isang malaking clash. Ang mga pagsalba sa mga kakampi gamit ang Relocate ay madalas ding makita mula sa isang Io na kaya ring makapagbigay ng steroids sa mga hero sa pamamagitan ng Tether at Overcharge.

Ang Tether-Overcharge ni Io ang pangarap ng bawat hard carry, pero mas sulit ito sa mga mana-reliant nukers tulad nila Storm Spirit at Leshrac dahil sa spell amplification ng Overcharge at amplified mana regen dulot ng Tether.

Ang Aghanim’s Shard upgrade ni Io na nagbibigay ng stun sa Tether ay kaya ring makagulat ng initiators na gigil sa kanya.


2. Spirit Breaker: 19 picks at 45 bans

Credit: Valve

2nd most banned hero sa DPC China Tour 1 Division 1

Isa sa mga premyadong offlaner si Spirit Breaker at ilang koponan pa ang nag-eksperimento na ilagay siya sa mid lane. Ang iba namang koponan ay nilalaro siya bilang position-4 support kaya naman napaka-flexible niya sa isang draft.

Sa ngayon ay mas spell caster na si Barathrum kaysa right-clicker. Ngayong ang damage ng kanyang Greater Bash ay nakadepende na sa kanyang movement speed, tinutulungan siya nito na mag-clear ng creep waves at makakuha ng items na magagamit niya sa late game.

Ito rin ang dahilan kung bakit binubuuan siya ng Null Talisman sa early game para sa spell amplification at mana regeneration na nakakatulong sa kanya para mag-build agad ng Shadow Blade.

Halos lahat ng kit ni Spirit Breaker ay tumatagos sa spell immunity at lalong lumalakas ito dahil sa Aghanim’s Scepter upgrade sa kanyang Charge of Darkness na mas bumibilis at bumababa ang cooldown. Speed ang pangalan ng laro para kay Barathrum at siya ang isa sa pinakakinatakutang hero sa DPC China Tour 1 Division 1.


1. Queen of Pain: 22 picks at 43 bans

Credit: Valve

3rd most picked at 3rd most banned sa DPC China Tour 1 Division 1

Hindi takot si Queen of Pain na magdala ng pasakit sa kanyang mga kalaban. Marahil siya na ang best mid hero sa kasalukuyang patch at kadalasan siyang nakikita sa safe lane dahil sa kanyang napakabilis na farming speed at solidong damage potential.

Ang pinakamadalas na item build para kay Akasha ay dalawang Null Talisman sabay Kaya and Sange na nagbibigay sa kanya nang tamang timpla ng damage amplification at kunat. Pwede pa siyang mas kumunat sa pamamagitan ng kanyang Level 10 Talent na +11 strength kaya pwede siyang mag-Blink papasok at palabas sa mga team fight nang hindi masyadong nagagalusan.

‘Di rin biro ang kanyang late game potential dahil na rin sa kanyang Level 20 Talent na nagbibigay ng karagdagang 120 damage sa Scream of Pain. Dahil dito ay kaya niyang sumabay sa batuhan ng damage sa mga clash at madaling mag-clear ng waves.

Ang Aghanim’s Shard ni QoP ay nagbibigay din ng 175 damage sa kanyang Blink at 1.75 segundo na silence kaya mas lumalakas ang kanyang damage potential at killing prowess laban sa mga hero na dumidepende sa active spells para maka-survive.


Base ito sa artikulo ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.