Narito na ang MLBB Woman’s Invitational 2022!

Sa susunod na apat na araw, ang pinakamahuhusay na babaeng MLBB pros sa buong Southeast Asia ay magtatagisan ng galing para sa pinakamalaking bahagi ng US$15,000 at ang karapatan para matawag na Reyna ng MLBB.

Kung sa tingin mo na kaya mo i-predict ang mananalo, maaari kang makapag-uwi ng bahagi ng 27,500 MLBB Diamonds!

Madali lang sumali!

Ni-level up namin ang Fantasy experience at meron na ngayong dalawang paraan para makapaglaro: Pick’Em at Live Fantasy.

Ano man ang format na piliin mo, maaari kang makakuha ng Fantasy Tokens. Sa katapusan ng bawat buwan, ang 10 manlalaro na may pinakamaraming Fantasy Tokens mula sa paglalaro ng MWI Live Fantasy o Pick’Em ay mananalo ng mga sumusunod na premyo.

  • 1st place – 3,500 Diamonds 
  • 2nd to 4th place – 3,000 Diamonds 
  • 5th to 10th place – 2,500 Diamonds

Paano laruin ang ONE Esports Fantasy Pick’Em

Bago magsimula ang bawat laban, maaari kang makakuha ng Fantasy Tokens sa paglalaro ng Pick’Em.

Kailangan mo lang i-predict ang sagot sa tatlong tanong tungkol sa paparating na laban:

  • Sino ang mananalo?
  • Aling koponan ang makakakuha ng mas maraming kills?
  • Ilang Lord ang mapapatay?

Pag-isipan nang mabuti ang inyong predictions dahil kailangan niyong makuha nang tama ang bawat sagot para makakuha ng points.

Paghahati-hatian ng mga manlalarong makakakuha ng tamang sagot ang 3,000 Fantasy Tokens.

Halimbawa, kung 10 manlalaro ang nakasagot nang tama sa lahat ng tatlong tanong, makakuha ang bawat isa ng 300 Fantasy Tokens, pero kung limang manlalaro lang ang nakakuha ng tamang sagot sa lahat ng tatlong tanong, ang bawat isa ay makakakuha ng 600 Fantasy Tokens.

Paano laruin ang ONE Esports Live Fantasy

Live Fantasy ang pinakabagong fantasy experience ng ONE Esports.

Pwede mo itong laruin habang nangyayari ang laban, narito kung paano.

Sa bawat laban, pwede kang gumamit ng resources para magdagdag ng players sa roster mo. Sa tuwing nakakakuha ng kills, assists, at objectives ang players mo, makakuha ng points ang team mo. Mas maraming points ang makukuha kung mas maganda ang performance ng players mo.

Ang Live Fantasy player na makakakuha ng pinakamaraming points pagkatapos ng laban ay mananalo ng Fantasy Tokens.

Paano gumawa ng roster

Sa simula ng bawat Live Fantasy match, magsisimula ang bawat manlalaro Level 1 at bibigyan din ang mga ito ng 100 Resources na pwedeng gamitin para makapagdagdag ng players sa roster.

Para makapagdagdag ng players sa roster, sundin lang ang mga sumusunod na steps:

  1. Pindutin ang Resource cost sa kanan ng bawat player sa team menu.
  2. Ang napiling player ay madadagdag na sa iyong roster. Pwede ring magkaroon ng higit sa isang kopya ng parehong player. Para gawin ito, i-click lang ang ‘+’ sign sa napiling player.

Maaaring tumaas o bumaba ang Resource cost ng bawat player depende sa kanilang performance.

Higit 27,000 Diamonds ang ipamimigay sa MWI Fantasy Challenge

Ang pagpapalit ng roster at ang frozen rosters

Pwede kang magdagdag o magtanggal ng players sa iyong roster sa habang nangyayari ang laban hanggat meron kang sapat na resources. Ang tanging oras lang na hindi mo pwedeng baguhin ang roster mo ay kung Frozen ang team at roster menus.

Nangyayari ‘to tuwing may malaking pangyayari sa loob ng laban gaya ng team fights. ‘Pagtapos ng team fight, babalik naman sa Unfrozen ang status ng mga menu at maaari mo na ulit i-modify ang iyong roster.

Higit 27,000 Diamonds ang ipamimigay sa MWI Fantasy Challenge

Pag-level up at pagkuha ng resources

Maaari kang mag-level up gamit ang points na nakukuha mo sa kahabaan ng laban. Kaakibat ng pagle-level up ang mas maraming resources na maaaring gamitin para sa ‘yong roster. Mas mataas na level, mas maraming resources, at mas mataas ang potensyal para makakuha ng mas maraming points.

Information Tabs (Desktop)

Makikita dito ang ilang impormasyon tungkol sa Live Fantasy na makatutulong sa ‘yong pag-level up. Ilan dito ay ang rules, leaderboards, milestones, at match events na maaaring makita sa mga tab sa ilalim ng stream.

Higit 27,000 Diamonds ang ipamimigay sa MWI Fantasy Challenge

Information Tabs (Mobile)

Kung sa mobile ka naman naglalaro ng Live Fantasy, maaaring mahanap ang information tab sa main Navigation Menu button. I-select lang ang information tab na gusto mong makita.

Higit 27,000 Diamonds ang ipamimigay sa MWI Fantasy Challenge

Pagkatapos ng bawat laban, made-determine sa leaderboard kung ilang Fantasy Tokens ang nakuha mo:

Higit 27,000 Diamonds ang ipamimigay sa MWI Fantasy Challenge

Ang MWI Fantasy Challenge ay magsisimula ngayon at magtatapos sa ika-30 ng Enero.

Handa ka na ba maglaro? Mag-sign up na dito!