Magbabalik sa June 11 ang pinakamalaking Mobile Legends: Bang Bang tournament sa Southeast Asia. Magtatagis ang pinakamatitinding team sa rehiyon patungo sa Kuala Lumpur, Malaysia para sa MLBB Southeast Asia Cup, kung saan paglalabanan nila ang US$300,000 na prize pool—doble kumpara sa nakaraang taon.

Maari ka na ring sumali sa aksyon pag ika’y naglaro ng ONE Esports MSC 2022 Fantasy Challenge. Ito ang pinakaunang MSC na lalaruin ng offline simula noong 2019.

Mayroon ka bang ideya kung sino sa 12 na teams ang makokoronahan? Kung oo, ay maari kang makapitas sa 43,500 MLBB Diamonds na maaring makuha!

Ang grand winner ng Fantasy ay mananalo ng 3,500 Diamonds, na maari mong gamitin sa heroes, skins, at kung saan pa.

Paano maglaro ng ONE Esports MSC 2022 Fantasy Challenge

Upang maglaro ng Fantasy Challenge, sagutan lamang ang mga katanungan dito:

  1. Sino ang 4 na teams na matatanggal sa group stage? (100 points sa bawat tamang hula)
  2. Sinong teams ang magtatapos sa Top 4? (300 points sa bawat tamang hula)
  3. Anong bansa ang panggagalingan ng MSC 2022 Champion? (500 points)
  4. Anong team ang magiging MSC 2022 Champion? (1000 points)

Sa bawat tamang prediction, makukuha mo ang mga nakalistang puntos. Ang hangarin ng challenge na ito ay makakuha ng mas madaming iskor.


Rules sa Tiebreaker

Sakaling may mga manlalaro na pare-parehas ang puntos, magkakaroon ng tiebreaker. Ang player na may pinakamalapit na sagot sa mga sumusunod na tanong ang magiging winner:

  1. Ilang Lords ang makukuha sa Grand Finals?
  2. Ilang hero kills sa winning team ang makukuha sa Grand Finals?

Ano ang premyo?

Lahat ng mananalo ay makakakuha ng MLBB Diamonds. Isa lamang ang grand winner, pero lima ang Tier 1 winners and 10 naman ang Tier 2 winners.

  • 1x Grand Winner: 3,500 Diamonds
  • 5x Tier 1 Winners: 3,000 Diamonds
  • 10x Tier 2 Winners: 2,500 Diamonds

Handa ka na bang pumili ng mga hula mo? Sali na dito sa ONE Esports Fantasy Challenge mula June 4 hanggang 10!