Sinong hindi may gusto ng libreng primogems? 

Sa huling Genshin Impact V2.1 na update, naghatid ang developer ng Genshin Impact na miHoYo ng mga content sa hugis ng dalawang bagong Inazuma islands.

Bagamat konektado ang mga islands na ito sa Inazuma Archon quest at sa paglabas nina Raiden Shogun Baal at Kujou Sara, nagdagdag ang miHoYo ng isang simpleng quest series na ang tawag ay “Neko is a Cat” na maaring bigyan ng libreng 150 primogems ang mga travelers.

Paano makakuha ng libreng primogems sa Neko is a Cat quest series sa Genshin Impact

Para masimulan ang Neko is a Cat, dapat kang pumunta sa Asase Shrine na nasa kanluran ng Amakumo Peak. Alalahanin na makikita mo lang ang nagsasalitang pusang ito kapag natapos mo na ang “Seirai Stormchasers” na quest series.

Pag nagkita na kayo, bibigyan ka ni Neko ng mga utos para maibalik ang shrine, at ang una dito ay ang Offering Box.

Sa unang utos, dapat mong gamitin ang elemental na abilidad ni Aneo o di kaya si Hydro para malinis ang apat na maduming spots na makikita sa main structure.

Matapos mong linisin ang shrine, balikan mo si Neko para makuha ang unang mong pabuya na 100 Adventure EXP, 10,000 Mora, at 20 na libreng primogems.

Ilang Inazuma quests ang dapat mong tapusin sa Asase Shrine? 

Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Bagamat mukhang madali lang tulungan ang pusang ito, isang quest kada araw lang ang maari mong gawin.

Sa total na pitong quests, isang linggo lang ay maibabalik mo na ang Asase Shrine sa dati at makakakuha ka na ng 150 na libreng primogems. Ito ang order ng quest series:

  • Offering Box 
  • Wooden Rack 
  • The Children 
  • Shrine Recipe 
  • Cat and Stone 
  • Stone Human’s Troubles 
  • Shrine Canteen 

Maliban sa libreng primogems, maari ring makuha ng mga players ang three-star Invigorating Kitty Meal recipe.

Sundin ang ONE Esports Facebook para sa karagdagang Genshin Impact guides, balita, at highlights.