Ang One Piece, kilala bilang pinakadakilang manga at anime serye, ay umuubod ng kasikatan. Dahil sa kaniyang malupet na storyline, iba’t-ibang cast ng characters, at epic adventures, napakalaki ng fan base nito.  Kaya naman nagsilabasan na ang pagbuo ng mga One Piece games.

Dahil sa kalakasan ng One Piece universe, inangkop ito sa iba’t-ibang anyo. Hindi lamang ito ginawang mga model at pelikula, ngunit pati na rin mga laro kung saan maari kang makipag-ugnayan sa mundo ng One Piece universe.

Dumating na rin ang One Piece brand sa gaming, para maghatid ng oportunidad as mga fans na pumasok sa mga adventures ni Monkey D. Luffy at ng kaniyang tropa. Dahil sa mga larong ito, maari nang maaliw ang mga players sa Grand Line, makipaglaban sa mga kontrang characters, at maranasan ang mga epic quests ng serye sa pamamagitan ng mga One Piece games na ito.



Best One Piece games na dapat mong laruin  

One Piece Pirate Warriors 4

Anime One Piece Pirate Warriors 4
Credit: Bandai Namco Entertainment

Ang One Piece Pirate Warriors 4 ang pinakabagong laro sa Pirate Warriors serye, at pinuri na ito ng mga fans ng One Piece games.

Umiikot ang gameplay ng One Piece Warriors 4 sa hack-and-slash combat. Maaring pumili ang mga players sa kanilang malawak na listahan ng characters, na may kanya-kanyang kakaibang abilities at fighting styles, para makipaglaban sa mga kalaban at mga iconic na kontrabida.

 
KUNIN ITO
▪️One Piece Pirate Warriors 4 (PS4) 
▪️One Piece Pirate Warriors 4 (Nintendo Switch) 
▪️One Piece: Pirate Warriors 4 Standard Edition (Xbox One) 

May malawak na roster ng playable characters ang installment na ito kumpara sa naunang installment na mayroong 43 default characters. Dagadag pa riyan, kapag binili mo ang DLC, maari mo pang mapalawak lalo ang roster mo sa kaniyang additional na siyam na characters.

Matapat sa storyline ang laro na ito, para maranasan mismo ng mga players ang mga key moments at digmaan sa serye sa loob ng Story Mode.


One Piece Odyssey 

Anime One Piece Odyssey
Credit: Bandai Namco

Ang One Piece Odyssey ay isang turn-based RPG na humiwalay sa orihinal na kuwento ng manga. Sa larong ito, nasa isang misteryosong isla ang mga Straw Hat Pirates kung saan nawalan sila ng kanilang mga abilities.  

 
KUNIN ITO: 
▪️One Piece Odyssey (PS5) 
▪️One Piece Odyssey – Standard Edition – Xbox Series X|S 

Sa lahat ng mga laro ng anime at manga, nangingibabaw ang Odyssey bilang pinaka-ambisyosong titulo, lalo na ang kaniyang malupet na graphics.

Ngunit kahinaan ng larong ito ang kaniyang plot. Partikular ang kaniyang haba at mabagal ang pacing niya, kaya posibleng hindi na ito tapusin ng mga gamers.


One Piece: World Seeker 

Anime One Piece World Seeker
Credit: Bandai Namco Entertainment

Habang hindi ito ang pinaka-paboritong spin off game ng serye, may mga kakaibang kataingan ang larong ito.

Sa World Seeker, kailangan gampanan ng mga players ang papel ni Luffy habang naglalakbay sila sa isla na kontrolado ng isang grupo ng Navy na pinangungunahan ni Isaac. Isa sa mga magandang parte ng laro ay ang kaniyang storytelling, kung saan naghahatid ng malupet na naratib ang World Seeker.

 
KUNIN ITO: 
▪️One Piece: World Seeker (PS4) 
▪️One Piece: World Seeker (Xbox One) 
▪️One Piece: World Seeker (Steam) 

Ngunit nakaakit ang World Seeker ng kontrobersiya, partikular na sa kaniyang combat mechanics.

Sa simula ay si Luffy lang ang playable characters, ngunit naglabas ang publisher ng tatlo pang characters sa pamamagitan ng downloadable content (DLC). Gayunpaman, makikita ng mga players na hindi gaanong komprehensibo ang gameplay at mechanics ni Luffy.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa paborito mong anime.

BASAHIN: Sino ang misteryosong karakter sa One Piece live action ending?