Pangarap ng mga gamers ang makitang laruin ang esports sa Olympics.

Bagamat maraming umaalma patungkol sa pagpasok ng esports sa Olympics, gumawa pa rin kami ng listahan ng mga video game title na pwedeng itampok sa prestihiyosong palaro (kung matupad man ito).

Bago ang esports sa Olympics, meron munang esports sa SEA Games

SEA Games 2019
Credit: Razer and 30th SEA Games

Naunang itampok ang esports bilang opisyal na medal category sa 30th Southeast Asian (SEA) Games na ginanap sa Pilipinas.

Anim na esports title ang tampok sa makasaysayang sports event: Mobile Legends: Bang Bang, Arena of Valor, Dota 2, Tekken 7, Starcraft II, at Hearthstone. Nangibabaw ang Pilipinas, na siyang nag-host ng palaro, sa nasabing kategorya matapos magpanalo ng tatlong gold medal.

Dahil sa tagumpay nito, muling babalik ang esports bilang opisyal na medal event sa SEA Games 2021 na gaganapin sa Vietnam.

Bukod sa SEA Games, magde-debut din ang esports bilang medal event sa 19th Asian Games Hangzhou sa 2022.

Nauna na ring ibida ang esports sa Asian Games 2018, pero bilang demonstration sport.

Esports sa Olympics

Olympics logo
Credit: Kyle Dias

Ano-ano nga bang quality dapat meron ang isang esports title para maging Olympic-worthy?

Ito ang apat na core criteria para pumasa ang esports sa Olympics:

  • Played worldwide — ang mga esports game dapat ay may liga at/o may mga player sa buong mundo
  • Skill-based — Wala dapat masyadong RNG (Random Number Generator) na involved
  • Straightforward — Hindi dapat mahirap para sa mga Olympic fan na panoorin at sundan ang mga laro
  • May refined na scoring system — Malinaw dapat ang tala para may hiranging panalo

Ito ang limang laro na nais namin makita kung masama sa Olympics ang esports.

5. Vehicular soccer game na Rocket League bilang esports sa Olympics

Credit: Psyonix, G2 Esports

Kung merong superstar ang soccer gaya nina Lionel Messi at Cristiano Ronaldo, ang vehicular soccer video game na Rocket League ay meron ding players katulad nina Dillon “Rizzo” Rizzo at Victor “Fairy Peak!” Lockquet.

May unique twist ang Rocket league kumpara sa tradisyonal na soccer dahil mga sasakyan ang gamit dito para maka-score ng goal, at isa lang ito sa maraming esports games na mula sa mga physical sports.

Isa ang Rocket league sa mga larong tampok sa Intel World Open 2020, isang front event bago magsimula ang Tokyo 2020 Olympics.

4. Starcraft II bilang esports sa Olympics

Credit: Blizzard Entertainment, Starcraft II ProLeague

Starcraft II ang pinakasikat na real-time strategy game (RTS) sa buong mundo. Dito nagmula ang term na “APM” o “actions per minute”, na nagpapatungkol sa bilang ng galaw na kayang gawin ng isang manlalaro sa loob ng isang minuto.

Mula South Korea ang ilan sa pinakamagagaling na Starcraft player sa mundo tulad nina Lim Yo “Boxer” Hwan at Lee “Flash” Young-ho.

Pagdating sa mga sporting event, regular nang itinatampok ang Starcraft II. Bumida ito bilang demonstration sport sa Asian Games 2018 sa Indonesia, pati na rin bilang medal event sa SEA Games 2019 sa Pilipinas kung saan inuwi ng Pinoy na si Caviar “Enderr” Acampado ang gold medal.

3. Na-feature ang Street Fighter V sa Intel World Open 2020

Credit: Combobreaker 2019

Pagdating sa esports, wala nang makatatalo pa sa fighting game. Nakabase ang mga titulong ito, gaya ng Street Fighter, sa skill ng mga manlalaro, at halos walang bahid ng swerte ang kailangan.

Nahubog ang fighting game industry nang ilabas ng Capcom ang Street Fighter II noong 1987. Bilang isa sa mga pioneer ng FGC, karapat-dapat lang kilalanin ang laro bilang medal sport.

Ilan sa mga tanyag na manlalaro ng Street Fighter ay sina Umehara “Daigo” Daigo, Ho Kun “Xian” Xian, at Victor “Punk” Woodley.

Isa ang Street Fighter V sa mga larong itinampok sa Intel World Open 2020 kasabay ng Rocket League.

2. Ang FPS ng Riot Games na Valorant bilang esports sa Olympics

Credit: 100 Thieves, Riot Games

Bagamat bago-bago pa ang larong dinevelop ng Riot Games, mabilis sumikat ang Valorant para sa mga first-person shooter (FPS) player gaya nina Tyson “TenZ” Ngo, Peter “Asuna” Mazuryk, at Adil “ScreaM” Benrlitom. Nangingibabaw ang Valorant dahli sa visual nito, pati na rin ang unique na disenyo sa mga mapa, at weapon mechanics kumpara sa mga mas lumang FPS titles.

Pino-promote din ng Valorant ang diversity, sa tulong ng mga agent nito, na akma para sa Olympics.

1. League of Legends, ang tanging MOBA game bilang esports sa Olympics

Credit: Royal Never Give Up
Screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Patok na ang esports scene ng League of Legends simula nang ganapin ang kauna-unahan nitong World Championship noong 2011.

Ang multiplayer online battle arena (MOBA) ng Riot Games na ito ay parte na ng kasaysayan, salamat din sa mga player gaya nina Lee “Faker” Sang-hyeok, Luka “Perkz” Perković, Rasmus “Caps” Winther, at Jian “Uzi” Zihao.

Dahil sa higit 12 professional league nito sa buong mundo, mataas na viewership sa mga ginaganap na tournament, at milyong-milyong players, hindi maipagkakaila na magiging matagumpay ang League of Legends kung isasama sa Olympics.

Gaya ng Starcraft II, lumabas din bilang maliit na sporting event ang League of Legends sa Asian Games 2018 sa Indonesia. Kabilang si Uzi, isa sa mga pinakamahuhusay na AD carry ng laro, sa nag-uwi ng gold medal para sa Team China.

Tampok din ang League of Legends sa SEA Games 2021 sa Vietnam.