Mula sa Dota 2 hanggang sa Tekken 7, ang Pilipinas ay naging tahanan ng maraming top-tier athletes. Palaging napapatingin ang lahat, lalong lalo na sa international esports scene, sa mga Pinoy na esports athletes na humahawak ng susi sa mga pagkapanalo ng mga top esports teams sa mundo. Pamamayagpag sa mobile gaming ang nagbigay ng spotlight sa Philippine Esports, pati na rin ang mga fighting-game wild card players na nanggugulat kahit pa sa mga beterano.

Mula sa grassroots tournaments hanggang sa pag-grind nila papuntang sa rurok ng tagumpay, tingin namin na ang limang athletes ng esports sa Pilipinas na ito ay ang mga greatest of all time (GOAT) ng ating bansa.

Dota 2: DJ

DJ, Fnatic, Dota 2
Credit: Dreamhack

Para kay Djardel Jicko B. “DJ” Mampusti, ang kaniyang pag-abot ng Philippine esports fame ay ang kaniyang role bilang captain ng Dota 2 team ng FNATIC. Mula sa kaniyang humble roots na paglalaro sa mga computer shops sa Marikina City, naging isa sa pinakamalulupit na esports players sa Pinas na talagang kinikilala sa buong mundo. Siya ang namuna sa FNATIC sa napakaraming Dota 2 tournaments ng maraming taon, tulad ng Shanghai Major, ang Manila Major, ang ESL One Katowice, at The International. Nag-invest din si DJ sa isang Philippine internet cafe franchise na TheNet.Com, aka TNC, at nagkaroon ng maikling stin sa Dota 2 team ng Execration.

Starcraft II: EnDerr

EnDerr, Starcraft II
Credit: Liyab Esports

Bilang mainstay sa competitive scene ng Starcraft II ng mas matagal pa sa isang dekada, ang ngalan ni Caviar Napoleon “EnDerr” Marquises-Acampado ay halos magkasingkahulugan na sa esports scene ng Starcraft II sa Pinas. Kay rami na niyang naipanalong championship titles para sa Pilipinas, kasama ng 2012 Starcraft II World Championship Series: SEA Nationals, ang ESL ANZ Winter Cup, ang WESG 2018 SEA Qualifier, at kamakailan lang ay ang Dreamhack StarCraft II Masers 2020 Winter: Oceania at Southeast Asia. Si EnDerr ang unang StarCraft player na nanalo ng gold medal sa isang Olympic-level event, matapos iuwi ang gold para sa Pilipinas sa 2019 SEA Games esports category. Siya ay aktibo pa rin hanggang ngayon sa StarCraft II scene at naglalaro sa Liyab Esports.

Mobile Legends: Bang Bang: Ribo

MLBB, Ribo, Bren Esports
Credit: Bren Esports

Hanggang ngayon, si CJ Ribo pa rin ang natatanging Philippine esports pro player na nanalo ng championship para sa isang world competition (M2), ng isang gold medal para sa SEA Games, at dalawang MPL championships. Bukod pa diyan, napakarami pang ibang tournaments ang kaniyang ipinanalo, tulad ng Razer SEA Invitational, The Nationals, ang Challenger SEA Summit, at marami pang iba. Ang beteranong Mobile Legends player ay naging parte na ng MPL mula pa nung Season 1, at palaging nakakapasok sa playoffs ang bawat team na kasama siya. Siya lang din ang natatanging atletang naglaro sa lahat ng limang positions bilang isang professional. At mukhang hindi pa nagpapakita si Ribo ng kaniyang pagtigil, na kasalukuyang lumalaban sa MPL PH Season 7.

League of Legends: Xmithie 

Xmithie, League of Legends, Immortals
Credit: Immortals

Filipino-American na si Jake Kevin Puchero, aka Xmithie, ay isang League of Legends player na kilala dahil sa kaniyang panahon ng paglalaro sa Team Liquid, Cunter Logic Gaming, at Immortals. Kilala ngayon bilang top junglers ng League of Legends Championship Series, nakapasok si Xmithie sa League noong 2011. Nag-grind siya paakyat mula sa ranked games papuntang small tournaments, hanggang umabot sa pagpasok sa professional scene sa mTw.NA. Nanalo siya sa 2015 NA LCS Summer Playoffs at sa 2016 NA LCS Spring Playoffs kasama ng Counter Logic Gaming at nanalo ng 2018 NA LCS Spring Playoffs kasama ang Team Liquid. Siya ngayon ay naglalaro sa team na Immortals.

Tekken 7: AK

Tekken 7, AK
Credit: AK

Sumikat si Alexandre “AK” Laverez matapos lumaban sa 2013 King of Iron Fist Gloal Championship sa edad na 13, kung saan kinaharap niya ang pinakamagagaling na Tekken 7 players sa buong mundo. Ang child prodigy na ito ay nakikipaglaro na sa highest level ng competitive Tekken play mula sa kaniyang teenage years, at kinakaya palagi ang podium finishes kahit sa worldwide events tulad ng SEA Major Singapore 2018, Evolution Championship Series Japan 2019, at Tekken World Tour Finals 2019 LCQ. Kinatawan din niya ang Pilipinas sa 2019 SEA Games at naiuwi ang silver medal sa esports category ng Tekken 7. Babalik si AK sa The Nationals Season 3 bilang player ng Laus Playbook Esports habang pinagsasabay ang kaniyang pag-aaral bilang college student.