Hindi madalas lumabas ang Mobile Legends: Bang Bang  hero na Odette sa pro play o kahit pa sa high-rank games. Totoong makati ang damage na kaya ibigay ng hero lalo na sa mga team fights, subalit, hindi ito popular sa mga players dahil sa tingin nila ay hindi angkop ang kaniyang kit sa meta ngayon.

Gayunpaman, pinatunayan ng beteranong pro player na si M. “Lemon” Ikhsan o mas kilala bilang RRQ Lemon sa isang ranked game kung gaano kaposible bumuhat ang off-meta hero na ito.

Ang Odette sa meta ngayon

Credit: Moonton

Kahit pa isa sa pinakamataas na magic DPS skills ang ultimate niyang Swan Song, hindi masyadong high-impact ang overall skills ng Odette sa meta ngayon.

Mahahalintulad man ang gameplay ng hero sa Eudora at Yve na malaki ang kargada sa mga team fights, mas maaasahan ang mga ito kumpara kay Odette dahil sa kanilang mga kits.

Hindi akma ang Odette ngayon, kung titignang maigi. Maituturing ang hero na ito ngayon bilang low-tier na mage sa meta. Kaya hindi masamang magtaka kung bakit pa pipiliin ang hero na ito kung may mga heroes na kayang gampanan ang parehong role ng mas maayos. 


Pinakita ni RRQ Lemon kung paano bumuhat gamit ang Swan Princess

Credit: Moonton

Ipinakita ng 22-anyos na pro sa kaniyang viewers ang epektibong pagmaniobra as Swan Princess sa isang video niya sa YouTube.

Sa ranked game na ito, pinatunayan ni Lemon na may ibubuga parin ang hero na ito sa mga rank games. Matalinong positioning ang ipinakita ng pro na nagbigay sa kaniya ng oportunidad para i-setup ang ambush plays sa mga kalaban. 

Kapansin-pansin din ang disiplinado at pasensyosong galawan ng dating RRQ player na susi sa kaniyang matagumpay na Odette plays. Kung isa ka sa mga gumagamit ng offensive mages, mapapansin mo din na sa parehong paraan ginagamit ang Eudora.

Sa sobrang dominante ng kaniyang gameplay sa hero na ito, muntikan pa ngang maka-Savage si Lemon sa pagtatapos ng ranked game.

Inilista ni Lemon ang magilas na 16/0/8 KDA na nag-iwan ng maraming tanong sa mga nakapanood ng video. Maaasahan na ba Odette sa RG ngayon? Anong mga sitwasyon puwede ang Odette?