Ang inaabangang Nintendo Direct sa E3 2021 ay nagtagal lamang ng 40 minuto, ngunit iniwan nitong excited ang mga fans para sa mga susunod na buwan.
Nintendo Direct sa E3 2021

Naglabas ng mga karagdagang impormasyon ang Nintendo Direct at E3 2021 sa kanilang paparating na triple-A titles, at kasama na dito ang opisyal na release date para sa BotW 2.
Ang Takahashi Shinya at Koizumi Yoshiaki ng Nintendo ang nagbukas ng presentasyon sa kanilang pagbanggit na ang bestselling Switch console nila ay magiging limang taon na. Sa gitna ng mga balita na iaanunsyo sa E3 2021 ang Nintendo Switch Pro, nag-pokus lamang ang duo sa kanilang paparating na Switch titles at hindi binanggit ang bagong version ng kanilang console system.
Ito ang lima sa pinakamalaking video games na inanunsyo ng Nintendo sa kanilang presentasyon sa E3 2021.
5. WarioWare: Get It Together!

Tatlong taon na ang nakalipas simula naglabas ng bagong WarioWare game, ang WarioWare Gold para sa Nintendo 3DS handheld console. Aware naman ang Nintendo na miss na ng mga fans ang arch-rival ni Mario na may suot-suot na yellow at purple na jumper outfit. At dahil diyan, naganunsyo sila ng bagong WarioWare game na “WarioWare: Get it Together.”
Ang pinakamalaking feature sa WarioWare: Get It Together ay ang kaniyang story mode na maaring laruin co-op kasama ang ibang player. Makikita mo rin muli ang company staff ng Wario, at may bagong talents rin.
Magiging available ang WarioWare: Get It Together sa September 10 ngayong taon.
4. Mario Party Superstars

Isang mas malaki at malupet na Mario Party game ang darating sa Nintendo Switch AT Nintendo Switch Lite – ang Mario Party Superstars!
Oo, tama ang nabasa mo – hindi na mapapagiwanan ang mga Switch Lite users dahil maaring laruin ang Mario Party Superstars sa handheld mode, isang feature na wala sa Super Mario Party.
Nagaalok din ang Mario Party Superstar ng limang bagong boards na kinuha mula sa Nintendo 64 era at nirework ang 100 minigames mula sa dating titles ng serye.
Sa pangkalahatan, ito ay isang napakagandang kombinasyon ng mga lumang laro na kinalakihan natin mula sa N64 Mario Party at sa mga bagong games na nilaro natin sa mga nakaraang taon mula sa Nintendo Switch Mario Party.
Lalabas ang Mario Party Superstars sa October 29.
3. Shin Megami Tensei V

Ibinunyag sa Nintendo Direct: Partner Showcase noong nakaraang taon, lumitaw ang mga karagdagang detalye tungkol sa role-playing game ng Atlus na Shin Megami Tensei V (SMTV) sa Nintendo Direct sa E3 2021.
Makikita na natin sa wakas ang walang pangalan na protagonist ng post-apocalyptic na Tokyo matapos mag-fuse ito sa isang misteryosong figure. Ang main character ay mayroong asul na buhok at kinumpleto ito ng isang bodysuit. Ibinunyag din ng release date trailer ang isang turn-based combat gameplay para sa SMTV at nagpakilala ng mga demons na maaring labanan, kaibiganin, at I-fuse sa storya.
Ilalabas lamang sa Nintendo Switch ang Shin Megami Tensei V sa November 12.
2. Metroid Dread

Ang pinakanakakagulat na anunsyo sa Nintendo Direct sa E3 2021 ay ang pagbabalik ni Samus Aran sa bagong Metroid game na Metroid Dread. Ang larong ito ay under development noong 2006 pa lamang ngunit dahil sa mga roadblocks, nanatiling nasa back-burner ang Metroid Dread hanggang sa ngayon.
Matapos ang 15 na taon, opsiyal nang darating ang Metroid Dread sa Nintendo Switch. Ito ay isang 2D side-scrolling platformer na kung saan maari mong I-kontrol si Samus laban sa mga marahas na E.M.M.I. na robots. Ang isang bagong gameplay mechanic na tiyak na bubuhayin ang spark sa mga lumang fans ay ang isang tool na tawag ay Spider Magnet na hinahayaan si Samus na makaakyat sa mga pader at kisame.
Ilalabas ang Metroid Dread sa October 8 ngayong taon.
1. Sequel sa The Legend of Zelda: Breath of the Wild (BotW 2)

Dalawang taon matapos ito unang inanunsyo, ipinakita ng The Legend of Zelda: Breath of the Wild sequel o BotW2 sa E3 2021 na nahuhulog si Link mula sa ulap, maaring sa taas ng Hyrule. Ipinakita sa maikling video ang mga bagong lugar na maaring puntahan sa taas ng ulap, mga never-before-seen na kalaban, sariwang mechanics, at mga hindi pa natutuklasang dungeons at shrines.
Mukhang gaganap ng isang importanteng role ang kanang braso ni Link sa BotW 2 lalong-lalo na’t ipinakita itong nilamon ng isang kumikinang na pula at itim na slime sa mga naunang segundo ng trailer. Sa kalagitnaan ng BotW 2 video, nakita muli ang braso ni Link na kumikinang sa isang misteryosong teal color.
Maghihintay pa ng kaunti ang mga fans bago nila makita si Link, Princess Zelda, at ang gang dahil ilalabas pa ang BotW 2 sa susunod na taon, 2022.
“Development has been steadily progressing,” sabi ng BotW 2 producer na si Aonuma Eiji sa Nintendo Direct sa E3 2021.
Ito ang maiking timeline ng magi laro na inanunsyo sa Nintendo Direct sa E3 2021.
- September 10 – WarioWare: Get It Together!
- October 5 – Super Monkey Ball Banana Mania
- October 8 – Metroid Dread
- October 29 – Mario Party Superstars
- November 11 – Zelda Game & Watch
- November 12 – Shin Megami Tensei V
- December 3 – Advance Wars 1+2
- December 3 – Danganronpa S
- 2022 – Breath of the Wild sequel (BotW 2)
Panoorin ang buong Nintendo Direct at E3 2021 dito: