Kahit pa nagging mas mahigpit ang format noong nakaraang 2020, pinabaga muli ng Garena ang eksena sa Free Fire sa pamamagitan ng Free Fire World Series 2021 (FFWS 2021), ang pinakamalaking offline tournament ngayong taon.
Sa 12 na kupunang kasali, Phoenix Fire ang lumabas na pinakamatikas at nag-uwi ng kampyonato na ginanap sa Singapore.
Kahanga-hanga ang ipinakita ng Phoenix Force sa Free Fire World Series 2021
Sinelyo ng Phoenix Force ang spot para makipagbakbakan sa FFWS 2021 Singapore matapos nilang iuwi ang korona ng Free Fire Pro League Thailand Season 4.
Matapos malaglag Thailand runner-up na ang Attack All Around sa Play-In-Stage, natira ang Phoenix Fire bilang nag-iisang representate ng Thailand sa World Series.
Buwenas ang Phoenix force sa finals matapos makakuha ng apat na Booyah sa anim na laban.
Sa pang-anim na laro, ninakaw nina Piyapon “TheCruz” Boonchuay at Chirasak “JOENA” Moonsarn ang huling Booyah sa pamamagitan ng malupit pag-zozone out mula sa boathouse.
Tampok ang pagligpit ni FFWS 2021 MVP TheCruz sa kabuuan ng Silence squad gamit ang grenade launcher para isarado ang serye para sa kanyang kupunan.
First place ang Phoenix Force na may talang 48 kills at total game score na 113 points. Inuwi nila ang tumatagingting na US$ 500,000.
Nakapag-uwi naman ng US$250,000 Brazilian team na LOUD sa World Series na ito. Nagtala sila ng 77 points para matapos sa 2nd place.