Opisyal na bilang medal sport ang esports sa kauna-unahang pagkakataon sa ika-19 na Asian Games na gaganapin sa Hangzhou, China sa Setyembre 2022.

Inanunsyo ng Olympic Council of Asia na magkakaroon ng walong medal events at dalawang demonstration games ang nasabing kategorya.

Esports sa 19th Asian Games
Credit: Olympic Council of Asia

Ang walong official event at publishers ay:

  1. Arena of Valor (Asian Games Version)
  2. Dota 2
  3. Dream Three Kingdoms 2
  4. EA SPORTS FIFA branded soccer games
  5. Hearthstone
  6. League of Legends
  7. PUBG Mobile (Asian Games Version)
  8. Street Fighter V

Ang dalawang demonstration events naman ay AESF Robot Masters-Powered by Migu at AESF VR Sports-Powered by Migu.

Credit: 19th Asian Games Hangzhou 2022 Organizing Committee

Umaasa naman ang Director General ng OCA na si Mr. Husain Al-Musallam na makapagbigay ang maaga nilang pag-anunsyo ng sapat na oras para makapaghanda ang mga koponang lalahok sa palakasan.

“I believe we have ticked all the right boxes ensuring a high level of competition which promises great viewing for enthusiasts and casuals alike.

We at the OCA are looking forward to working closely with our friends at the Asian Electronic Sports Federation and the Hangzhou Asian Games Organising Committee to ensure a successful execution of the esports event at the 2022 Asian Games,” dagdag niya.

Esports sa Asian Games

Bagamat ito ang unang pagkakataon na magiging medal event ang esports sa nasabing palaro, hindi naman ito ang unang beses na naging tampok sa Asian Games ang industriya.

Bumida bilang demontration sport ang esports noong 2018, kung saan walong titulo ang nilaro kabilang na ang Arena of Valor, Clash Royale, Hearthstone, League of Legends, Pro Evolution Soccer, at StarCraft 2.

18 bansa ang lumahok dito kabilang na ang host country na Indonesia. Nangibabaw naman ang China matapos sumelyo ng dalawang gold at isang silver medals.

Credit: SEA Games

Noong 2019 naman, nag-host ang Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games kung saan nag-debut ang esports bilang medal event. Nag-uwi ang mga kinatawan ng bansa ng tatlong gold medals mula sa Dota 2, StarCraft 2, at Mobile Legends: Bang Bang disciplines.

Muling nakatakda na magkaroon ng esports sa pagbabalik ng SEA Games na gaganapin sana sa Hanoi, Vietnam ngunit na-udlot ito dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.