Mayroon ka bang gustong-gustong itanong sa dynamic duo ng Blacklist International?

‘Wag mo nang palampasin ang pagkakataon na ‘to! Isulat ang iyong tanong sa box na ‘to at ‘wag kalimutang iwan ang iyong username o kaya nama’y social media handle para mabigyan namin kayo ng shoutout pag napili ang iyong tanong!

Si Johnmar OhMyV33nus” Villaluna and Danerie “Wise” Del Rosario, kilala bilang “V33Wise” duo, ay mga household names na sa competitive Mobile Legends: Bang Bang dahil sa kanilang mga achieveements.

Sa pitong seasons nila sa MPL (pag pasok ng MPL Season 4, at pagpahinga nang MPL S9), pitong beses na silang nakapasok sa Finals. Nakapag-uwi na sila ng tatlong MPL PH Titles, at nakapag-secure ng M3 World Championship noong 2021.

Dagdag pa sa kanilang mga achievements, ang duo na ‘to ay kilalang-kilala sa pagpapasikat ng isa nang classic na UBE Strategy, na tuluyan na ring nagamit ng iba’t-ibang professional teams at ranked players sa buong mundo.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.