Inanunsyo ng game developer Enish ang bagong mobile game na “Attack on Titan: Brave Order” noong September 9 at magiging available ito sa Android at iOS platforms sa buong mundo.

Hango sa sikat na anime na Attack on Titan, ang mobile game na ito ay isang online multiplayer RPG.

Makakaasa ang mga fans na makakasali sila sa Survey Corps kasama ang ilang tanyag na karakter sa anime tulad nila Eren Yeager, Mikasa Ackerman at kapitan Levi Ackerman, at makipagtulungan sa kapwa player para patumbahin ang mga titan.


Ang Attack on Titan: Brave Order mobile game ay magiging immersive RPG

Credit: G-Holdings, Enish

Sa mga natuwa sa voice acting na nilapat sa anime, maaari niyo ring asahan ang mga original recording mula sa parehong cast pagdating sa Attack on Titan: Brave Order.

Kaakibat ng launch ay ang multiple giveaways na magaganap ngayong campaign period sa opisyal na Twitter account ng laro. Ang una ay isang signed Attack on Titan Season 1 Blu-ray Box mula sa mga voice actors na sila Yuki Kaji (Eren) at Yui Ishikawa (Mikasa).

Ang mobile game ay inaayos pa sa ngayon at wala pang inaanunsyong detalye tungkol sa release date nito.

Ang Attack on Titan ay isang manga at anime series na naka-set sa isang apocalyptic world kung saan nakikipaglaban ang mga tao kontra sa mga higante. Ang mga dambuhalang humanoid na ito ay kumakain ng mga tao at palaging binabantaan ang kaligtasan ng sibilisasyon.

Ang istorya nito ay sinusundan ang bida na si Eren Yaeger sa kanyang misyon na puksain ang mga titan sa kabila ng matitinding pagsubok.

I-follow ang Attack on Titan: Brave Order sa Twitter para makasali sa mga giveaway at i-bookmark ang kanilang opisyal na website para sa mga pinakabagong update.

Ito’y pagsasalin sa Filipino ng katha ni Amanda Tan ng ONE Esports.