Naglabas na ng detalyadong tier list para sa Guilty Gear Strive ang fighting game legend na si Justin Wong.

Bagamat ang kanyang Youtube video ay isang direct reaction sa tier list ni Goichi “GO1” Kishida, may mga sariling opinyon ang American FGC legend patungkol sa pagkakapwesto ng ilang mga characters.


Top character si Ramlethal sa Guilty Gear Strive tier list ni Justin Wong

GuiltyGearStrive RamlethalValentine
Credit: Arc System Works

Sang-ayon ang dalawang pro players na si Sol Badguy ang best S-tier character, ngunit sinabi rin ni Justin na si Ramlethal ang kasunod nito sa kanyang tier list.

Ipianaliwanag nyang mahirap na match up para sa kanya si Ramlethal, sinabi rin nyang katulad ito ni Menat ng Street Fighter V.

“Ramlethal’s swords and her air-to-air game are amazing,” sabi ni Justin Wong. “Ramlethal is leading the pack in using different Roman Cancels in the game.”

Tinukoy din ng pro na ang Overdrive move ni Ramlethal na Calvados ay magandang panghuli at may malakas na damage para sa mga kalabang hindi handa.


May S-tier potential sina Axl Low at Potemkin

GuiltyGearStrive AxlLow Potemki
Credit: Arc System Works

Sa mga A-tier characters sa kanyang Guilty Gear Strive tier list, naniniwala si Wong na ang ilan sa kanila ay may potensyal na maging S-tier sa kamay ng isang eksperto.

Binigyang pansin nya ang kakayahan ni Axl Low sa pagpigil sa opensa ng kalaban.

“I think Axl is a very good character,” sabi ni Wong. “He has so many anti-air moves and the damage will add up.”

Ang hindi lang kagandahan kay Axl Low ay maaring tumalon at sumalag ang kalaban upang kontrahin ang kanyang zoning  moves.

Isa rin si Potemkin sa mga top picks ni Wong dahil sa agresibo nitong opensa. Sinabi ng pro na mahirap labanan ang Megafist at Hammer Fall ni Potemkin, at inilarawan din nya ang command grab nito bilang “cheap and broken”.

“Even though Potemkin might have bad matchups, his damage output can conquer those bad matchups,” paliwanag ni Wong.


Si Ky Kiske ang ‘Ryu ng Guilty Gear Strive’

GuiltyGearStrive KyKiske
Credit: Arc System Works

Bagamat pinuri bilang longtime rival ni Sol Badguy, tinawag ni Justin Wong si Ky Kiske bilang Ryu ng Guilty Gear Strive.

Bukod sa basic fireball, pinaliwanag ni Justin na masyadong honest ang character, at kulang ito sa cheese moves na pwedeng gamitin na panggulang sa kalaban.

“Ky really has to rely on punishing, whiff punishing, and reactions,” sabi ni Wong. “He’s a Street Fighter character in this game so he’s probably in the wrong game.”

Dahil sa normal na gameplay, inilagay ni Justin Wong ang swordsman sa B-tier ng kanyang Guilty Gear Strive tier list.


Trash-tier sina I-No at Anji Mito, paliwanag ni Justin Wong

GuiltyGearStrive JustinWong Ino AnjiMito Trash black
Screenshot by Joseph Asuncion/ONE Esports

Maraming pagpuna si Justin Wong para kina Anji Mito at I-No bilang mgha pinakapangit na characters sa kanyang Guilty Gear Strive tier list.

Si Anji Mito ay isang mahinang character na walang makabuluhang game plan. Sa kabila ng kanyang parry mechanic gamit ang Suigetsu no Hakobi, binanggit ni Wong na hindi kayang mag-punish ng mga light moves na na-parry.

Dahil hindi tumatama sa grounded opponents ang kanyang dragon punch na Kou, umiikot ang game play ni Anji sa pagpapatama ng mga randoim na Fuujin para makakuha ng mabigat na combo.

Mas malawak ang pagpuna ni Wong kay I-No, at sinabing ang kanyang built-in hover dash ang dahilan kung bakit sya ang pinakamabagal na character sa game.

Kung titignan ang gameplay ni I-No, umaasa lamang sya sa mga knockdowns at mix-ups na walang damage. Kalaunan ay mahuhulaan din ng kalaban ang kanyang 50/50, at mawawalan ng silbi ang kanyang mix-up dahil sasalagin lamang ito.

“They need to give I-No more stuff,” komento ni Justin Wong. “She has a lot of stuff, but I think they need to make it more user-friendly. It just doesn’t seem like I-No can really do too much.”

GuiltyGearStrive JustinWong tierlist
Screenshot by Joseph Asuncion/ONE Esports

Mapapanood ang buong paliwanag ni Justin Wong sa kanyang Guilty Gear Strive tier list sa ibaba: