Walang duda na ang One Piece ay isa sa mga pinakasikat na Japanese anime at manga series. Milyun-milyong fans sa buong mundo ang sumusubaybay sa kwento ni Monkey D. Luffy at ng Straw Hat Pirates.

Nais naman ng Tencent na palawakin ang One Piece universe sa paglabas ng One Piece fighting game.

Ang One Piece fighting game ng Tencent, “Project Fighter”

OnePiece Fighting Game Project Fighter Monkey D Luffy
Credit: Funimation

Inanunsyo ng Chinese video game giant na Tencent ang One Piece fighting game sa isang conference ayon sa Niko Partners analyst na si Daniel Ahmad.

“Project Fighter” ang working title ng game, na maaaring magbago sa official release nito. Ito ay gagawin ng Shenzhen-based in-house game development studio ng Tencent na Morefun Studios na may authorization ng Bandai Namco Entertainment.

Naglabas na rin dati ang Bandai Namco ng mga One Piece games tulad ng One Piece: Burning Blood, One Piece World Seeker, at One Piece Pirate Warriors.

One Piece fighting game trailer

OnePiece Fighting Game Project Fighter
Credit: Toei Animation

Ang Project Fighter trailer ay nagpamalas ng napakagandang cinematic kung saan makikita ang bidang si Monkey D. Luffy sakay ng barkong Going Merry.

Makikita din sa clip ang ibang miyembro ng Straw Hat Pirates crew tulad nina Nami at Zoro na nagpakita ng kanilang mga nakakabilib na moves.

Base sa tweet ni Daniel Ahmad, sa China lamang muna planong ilabas ang Project Fighter sa ngayon.

Wala pang inaanunsyo na global release ang Tencent para sa game, pero pag naging matagumpay ang Project Fighter sa China, inaasahang maglalabas ng international version nito ang studio.