Di na kailangang ‘mag-search far and wide’ dahil inilabas na ng Uniqlo ang Pokemon All-Stars collection tampok ang mga sikat na pocket mosters mula Generation I, at ilan mula Generation VIII.

Uniqlo Pokemon All-Stars collection para sa adults

Matapos ang collaboration kasama ang League of Legends at Animal Crossing: New Horizon, maglalabas ang Uniqlo ng I bagong partnership kasama ang isa na naming sikat na video game title.

Ang bagong Pokemon All-Stars collection ay may mga simpleng design para sa mga bata at mga pusong-bata na trainers.

Ang adult size ay may mga designs ng Generation I Pokemon tulad ng Pikachu, Gengar, Gyarados, at Charizard. Ang Pikachu line art design tee na may gradient tones ay magugustuhan ng mga minimalist, lalo na’t ang shirt ay may neutral colors na black at white.

Oo, merong Pokemon Eeveelutions shirt

Mas light ang kulay at mas playful ang prints ng pambabae. Pwedeng mamili sa iba’t ibang Pokemon designs gaya ng Psyduck, Jigglypuff, at Mew.

Huwag kalimutang tignan mabuti ang black patterned shirt, meron itong mga makulay na line art ng lahat ng evolutions ni Eevee – o yung tinatawag na Eeveelutions – mula Vaporeon hanggang Jolteon.

Tampok sa Pokemon All-Stars kids collection ang Galar region

Mas magugustuhan ng mga batang trainers ang mas bagong generation ng pocket monsters, tulad ng mga makikita sa Galar region ng Pokemon Sword at Shield.

Ang final evolution ng mga Sword at Shield starter Pokemon na Rillaboom, Cinderace, at Inteleon ay napakagandang tignan sa solid white shirt, at may kasamang inspiring message na “Be active. Be strong. Be smart.” sa likod.

Ang tatlo sa mga pinaka-cute na Pokemon ng Galar, ang corgi na Yamper, tupa na Wooloo, at ang rodent na Morpeko, ay nagsama-sama sa isang green tee na may nakasulat na “You’re my best friend”. Aww.

Ang pink na tee ay isang must-buy para sa mga batang mahilig sa eye-candy Pokemon tulad ng Jigglypuff, Sylveon, Alcremie, at Galarian Ponyta.

UT Pokemon All-Stars release date, presyo, at iba pa

Pokemon Uniqlo UT AllStars Collection
Credit: Uniqlo Philippines

Available na sa Pilipinas ang UT Pokemon All-Stars collection. Di magtatagal ay iri-release din ito online sa Singapore at mga US-based stores sa July.

Ang adult at women’s sizes ay nagkakahalagang US$20 habang ang pambatang size naman ay US$10. Tignan ang buong UT Pokemon All-Stars collection dito.