Opisyal nang darating si Baiken sa Guilty Gear Strive sa January 28 para sa mga season pass owners. Mabibili naman sya bilkang isang hiwalay na DLC simula January 31.

Espesyal na character si Baiken sa Guilty Gear. Bukod sa pagiging isang secret unlockable character sa unang game, sya na lang rin ang natatanging original character na hindi pa nakakasali sa roster ng Guilty Gear Strive, bukod kina Kliff at Justice na patay na.

Guilty Gear Strive Baiken trailer2
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Naglabas ng dalawang Baiken videos ang Arc System Works noong January 24 na makikita sa kanilang YouTube channel. Ang unang video ay isang malupit na trailer kung saan pinapakita kung gaano kaangas na character ang one-armed samurai. Pinapakita dito ang kanyang fighting style, pati na rin ang iba’t ibang gadgets na nakatago sa ilalim ng kanyang kimono.

Tampok naman sa isa pang video ang mga bago nyang moves, pati na rin ang kanyang mga classic returning moves tulad ng Tatami Gaeshi, uppercut slash na Youzansen, at ang spear attack na Kabari. Meron din syang mechanic na nagtatali sa kanya at sa kalaban kapag nakatama ka ng Kabari o ng throw. Ang lubid na ito ay pwedeng gamitin upang palapitin ang kalaban kay Baiken.

Ang Guilty Gear Strive ang nakatanggap ng The Game Awards Best Fighting Game of 2021. May isa pang natitirang character na lalabas sa Season Pass pagkatapos ni Baiken.

Para sa iba pang balitang gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.