Ang mga competitive first-person shooter games katulad ng Valorant, Counter-Strike: Global Offensive, at Call of Duty ay mapapanalo o mapapatalo sa loob ng milliseconds. Kapag kasing galing mo ang kalaban mo, kalabitin mo ang gatilyo nang mas mabilis sa 0.1 second at siguradong ikaw ang panalo — ganon ka-simple.

Ano nga ba ang pwedeng mong gawin upang mapataas ang tsansa na mapunta sa winning side and pano mo makukuha ang competitive edge pag naglalaro ng FPS games?

Nagsisimula ang lahat ng ito sa pagkakaroon ng tamang kagamitan. At pagdating sa mga FPS games, ang pagkakaroon ng magandang FPS gaming monitor na may 144Hz o 240Hz na refresh rate at low response time ang isa sa pinakamalaking upgrade na pwede mong gawin.


Bakit importante ang pagkakaroon ng best FPS gaming monitor?

Pwede kang magkaroon ng pinakamagaang na gaming mouse, pinakamalakas na processor at graphics card, at pinaka-sensitive na headphones, pero malilimitahan ka pa rin ng pangit na monitor.

Kung hindi mo nakikita ang iyong kalaban, hindi mo mapapatay ang iyong kalaban.

‘Pag naghahanap ng best FPS gaming monitor, ang dalawa sa pinakamahalagang specs na dapat tignan ay ang mataas na refresh rate at mababang response time.

Ano ang monitor refresh rate?

Ang refresh rate ay ang bilang ng beses na ina-update ng monitor ng bagong imahe kada segundo.

Binibilang ang refresh rate sa Hertz (Hz). Ang mas mataas na number, kadalasan 144Hz, o 240Hz sa mas bihirang kaso, ay nangangahulugan sa mas mabilis na kakayahang mag-refresh ng monitor. Ito ay nagreresulta sa mas smooth at mas accurate na image.

BenQ Zowie FPS Gaming Monitor

Kadalasan sa mga non-FPS gaming monitor ay 60Hz refresh rate lang, ibig sabihin 60 beses lang nagre-refresh ang screen kada segundo, pero kung FPS gaming ang gusto mo, at least 144Hz dapat, o kung gusto mo ang absolute best, 240Hz monitor ang para sa’yo.

BenQ Zowie FPS Gaming Monitor

Kailangan mo ba ng 240Hz monitor?

Kung ang absolute best competitive edge ang nais mong makamtan, siguradong kakailanganin mo ng 240Hz na monitor. Palagay nang kaya ng graphics card mo na mag-deliver ng 240 frames-per-second, kaya mag-deliver ng 240Hz monitor ng mas mainam na responsiveness at mas fluid na gaming experience.

‘Pag ang laro ay maipapanalo o maipapatalo sa loob lang ng millisecond, ang potensyal para sa mas mabilis na reaction time ay tataas din sa tulong ng kaibahan ng 240Hz monitor.

Kung hindi naman kaya ng graphics card mo ang 240Hz, ang minimum nang dapat mong hanapin ay at least 140Hz.

Ano ang monitor response time?

Ang response time ay ang haba ng oras na kailangan ng monitor upang mabago ang kulay ng isang pixel. Sinusukat ang response time gamit ang ms (milliseconds).

‘Pag mababa ang response time, ibig sabihin nito ay mas accurate ang image na nakikita mo sa talagang nangyayari sa laro.

Ano pang features ang dapat hanapin sa isang FPS gaming monitor?

Bukod sa mataas na refresh rate at mababang response time, dapat mo ring hanapin ang extra features na dinisenyo para bigyan ka ng competitive advantage sa FPS game, gaya ng mga makikita sa BenQ Zowie monitors.

Ano ang best FPS gaming monitor?

Kung naghahanap ka ng FPS gaming monitor na may pinakamataas na refresh rate, pinakamababang response time, at mga FPS features na dinisenyo mismo para bigyan ka ng advantage, ang tanging pagpipilian lang ay ang BenQ Zowie XL2546K.

Ang Zowie XL2546K ay merong 240Hz refresh rate at fast liquid crystal display na may hanggang 0.5ms response time, na parehong best-in-class sa industriya.

BenQ Zowie FPS Gaming Monitor

Ano ang best budget FPS gaming monitor?

Kung hindi naman pumapalo sa 240 FPS ang graphics card mo, o mas limitado ang iyong budget, pwede mo ring i-consider ang Zowie XL2411K.

BenQ Zowie FPS Gaming Monitor

Pareho ang specs at features ng Zowie XL2411K sa XL2546K, pero meron itong 24-inch display, 144Hz refresh rate, at 1ms response time.

Ano ang nagpapaganda sa Zowie monitor para sa FPS gaming?

Kumpara sa ibang monitor brands gaya ng Prism, Dell, Samsung, at LG, specialty ng BenQ Zowie ang FPS gaming, at ang mga monitor nito ay gawa mula sa ground up para sa FPS games.

Dahil dito, ang mga monitor gaya ng Zowie XL2546K at Zowie XL2411K ay may mga unique features na dinisenyo para mabigyan ka ng competitive advantage na wala sa ibang monitor brand.


Anong monitor ang gamit ng mga FPS esports pro?

Kung gusto mo malaman ang best FPS gaming monitor para sa esports, tignan mo na lang ang mga monitor na ginagamit sa mga FPS esports tournaments at makikita mong Zowie monitors ang mga ito.

BenQ Zowie FPS Gaming Monitor

Sa malawak na range ng monitors ng Zowie, ang pinakasikat na FPS monitor na ginagamit ng mga esports pro ay ang BenQ Zowie XL2546K.

Halimbawa na lang ang Paper Rex, Isa sa mga top Valorant teams sa Southeast Asia, na eksklusibong gumagamit ng Zowie XL2546K:

BenQ Zowie FPS Gaming Monitor

Bakit Zowie monitors ang gamit ng mga FPS esports pro?

BenQ Zowie FPS Gaming Monitor

Bukod sa industry-leading specs ng mga ito, ang Zowie XL2546K at XL2411K ay nag-o-offer din ng unique features at proprietary technology kaya’t ito ang choice para sa mga FPS esports pros:

Mas malawak na space sa iyong desk

BenQ Zowie FPS Gaming Monitor

Ang XL2546K at XL2411K ay may redesigned bases na kumukuha ng mas maliit na desktop space habang pinapanatili ang stability nito. Binibigyan nito ang mga gamer ng mas malawak na space para sa malalaking in-game movements at flexibility para ma-adjust ang kanilang setup para sa optimum comfort.

Mas flexible na monitor at height adjustment

BenQ Zowie FPS Gaming Monitor

Ang XL2546K at XL2411K ay may mas malawak na range ng height at angle adjustment kumpara sa ibang mointor, at pwede rin itong i-tilt hanggang sa 23 degrees. Hinahayaan ka nito na mahanap ang perpektong height at angle.

DyAx at DyAc+

Ang DyAc (Dynamic Accuracy) at DyAc+ ay proprietary Zowie technology na binabawasan ang on-screen motion blur. Ginagawa niya ito mula sa custom panel na may modified circuitry at firmware settings. In-game, binabawasan nito ang visible on-screen shaking, na talagang useful pag nagii-spray, at matutulungan ka rin nito na mas ma-control ang recoil.

Useful din ito upang ma-track ang mga mabibilis na characters, gaya ni Jett sa Valorant, dahil hindi na siya masyadong blurry, kahit habang nagda-dash. Mas madali na siyang tutukan, gaya ng mapapanood sa video kung saan ipinapakita ang DyAc at DyAc+.

Black eQualizer

BenQ Zowie FPS Gaming Monitor

Ang Black eQualizer ay isa pang Zowie proprietary technology na dinisenyo upang bigyan ka ng advantage sa FPS games. Pinapaliwanag ng Black eQualizer ang madidilim na area nang hindi ino-overexpose ang maliliwanag na area. Dahil dito, mas madali nang makita ang mga kalabang nagtatago sa madidilim na sulok nang hindi ka mabubulag sa mga maliliwanag na lugar.

Color Vibrance

Kung nanonood ka ng mga FPS streamer o esports pro gaya nina Hiko at Shroud, mapapansin mong karamihan sa kanila ay naglalaro nang may extremely saturated color settings. Ginagawa nila ito upang mas mag-stand out ang mga kalaban at mas madaling makita. Importante ito sa CS:GO kung saan ang lahat ay mukhang washed out talaga.

Maa-achieve mo ang parehong epekto gamit ang Color Vibrance feature ng Zowie, na nag-o-offer ng 20 levels ng color intensity. Dagdag din na mas madaling mag-toggle mula sa extreme color vibrance at mas muted na colors (bagay sa web browsing) salamat sa S-switch remote ng Zowie, na kasama sa lahat ng XL-K monitors. Hinahayaan ka rin nito na mag magpalit nang mabilisan sa pagitan ng tatlong preset configurations.

I-share ang iyong settings o i-download ang customized settings ng paborito mong pros

Maaari mong i-share ang monitor settings mo sa iyong mga kakampi at kaibigan gamit ang Setting To Share feature ng Zowie. Pwede mo rin i-download ang eksaktong settings ng mga paboritong mong esports pro at streamer. Inilabas din ng Zowie ang sarili nitong settings na customized para sa iba’t-ibang games.

BenQ Zowie FPS Gaming Monitor

Para sa karagdagang impormasyon sa parehong Zowie monitors, bisitahin lang ang website ng Zowie. Maaari mong puntahan ang Singapore website dito at ang APAC website dito kung ikaw ay mula sa ibang ASEAN countries.

Ang article na ito ay presented ng Zowie.