Bilang pagdiriwang sa ika-5 anibersaryo ng debut ng Blackpink, inilunsad ng YG Entertainment ang Blackpink Island sa Animal Crossing: New Horizons.

Opisyal itong tinawag na “In Your Area Island” kung saan iba’t-ibang mga disenyo at items ang makikita ng mga Blinks.

Trip down memory lane ang Blackpink Island sa Animal Crossing

Credit: YG Entertainment

Siguradong natutuwa ngayon ang Blinks sa pagbisita ng virtual island kung saan tampok ang malapalamuting furniture sets, items at mga damit bilang pagdiriwang sa ika-limang anibersaryo ng Blackpink sa K-pop industry.

Bida sa 35-segundong teaser ang DJ booth kung saan nakasulat ang “Welcome In Your Area” sa harap nito.

Lumipat ang eksena sa isang pulang race-car bed sa gitna ng cherry trees bilang pagkilala sa parte ni Jisso sa “Ice Cream”.

Credit: YG Entertainment

Hindi nagtapos dito ang swabeng teaser sapagkat tampok din ang isang malaking Blackpink stage sa gitna ng isla na kawangis ng livestreamed concert ng K-pop group na “The Show”.

Credit: YG Entertainment

Paano makarating sa Blackpink Island

Credit: YG Entertainment

Opisyal na lumabas ang Blackpink Island “In Your Area Island” sa Animal Crossing noong August 6 at kasalukuyang nagpapasaya sa fans ng grupo at ng laro.

Ani nga ng Animal Crossing streamer na si Chase Crossing, sigurado daw na pinaghirapan ito ng mga developers para ilabas. “I can tell that a ton of effort went into it!!”

Credit: YG Entertainment

I-dinitalye rin ng streamer kung papaano makarating sa isla at kung ano ang maaaring ma-enjoy mula rito.