Silent but deadly ang tirada ng streamer na si Ean “Booya” Chase sa isa niyang stream sa Call of Duty: Warzone.
Namataan ng FaZe clan member ang isang helicopter malapit sa Verdansk Hospital na agad-agad naman niyang pinaputukan gamit ang sniper rifle. Matapos sirain ang armor plates ng isa sa mga pasahero nito, nawalang parang bula ang helicopter.
Maswerte at naabisuhan si Booya ng kaniyang teammate na si Kris “Swagg” Lamberson na itinuro na lumapag ang helicopter sa taas ng nasabing ospital.
Combat Bow ang ginamit ni Booya para sa helicopter team wipe sa Call of Duty: Warzone
Handa ng simulan ang engkwentro, maingat na pinasok ng Nuke Squad member ang area kung saan lumapag ang kalabang team.
Tahimik at dahan-dahan niyang inakyat ang bawat palapag ng gusali kaalinsabay ng pag-checheck ng kaniyang Heartbeat Sensor para malaman kung may pupulas na kalaban.
Isang pintuan nalang mula sa rooftop noong sumilip si Booya na natiyempuhang naka-angat na ang helicopter. Kasabay ng pagtutulak ng kaniyang teammate na si Dante “Santana” Santana na sumugal, binunot ng FaZe streamer ang kaniyang Combat Bow at nagpakawala ng explosive arrow na sumapul sa heli.
‘It’s all about patience’, ani ng FaZe Clan streamer

Bagamt isang tira lamang ito ng Combat Bow, magandang sinyales ang team wipe outplay na ito sa magilas na game sense ni Booya sa Call of Duty: Warzone.
Alam ng FaZe clan streamer ang buff na ibinigay sa Combat Bow kontra sa mga vehicles at ginamit niya ito para tiyempuhan ng tama ang team wipe. Kung masyadong maaga ang pagpapakawala niya, mas mababa ang tiyansang makumpleto niya ang wipe at mas posibleng tumalon muna sa helicopter ang kalaban para pataubin siya.
Matapos ang swabeng arrow timing, pinatunayan ni Booya na tunay ngang patience is a virtue kahit pa sa maaksyong laro tulad ng Call of Duty: Warzone.