Inamin ni BRU FirstOne na hindi sapat ang team fight ng Buriram United Esports (BRU) para pataubin ang 2019 Arena of Valor International Championship (AIC) winners na MAD Team (MAD) team ng Taiwan sa kanilang salpukan sa Day 3 ng 2021 Arena of Valor World Cup (AWC).

Buriram United Esports kontra MAD Team sa AWC 2021

Credit: Cao Thủ Liên Quân

Dikit ang labanan ng dalawang kupunan sa game 1 na nagtagal ng 48 minuto bago was akin ng MAD team ang core ng Buriram United Esports. Taliwas sa pinakamabilis na laro sa AWC na inilista ng dtac Talon, ang labanan naman na ito ang pinakahaba sa torneyo.

Ipinakita ng MAD team ang mas solidong call shots sa Game 2 na naguwi ng panalo para sa kanila.

Malinis na 2-0 panalo ang nakamit ng Garena Challenge Series (GCS) representatives sa naturang BO2.

MAD > BRU? Nag-iwan ng komento si BRU FirstOne

Credit: Cao Thủ Liên Quân

“The game is too hard,” ani ng jungler ng BRU na si Sanpett “FirstOne” Marat sa kaniyang Facebook page. We had a very bad team fight.”

Nasaksihan ng mga fans ang mas matikas na Buriram United Esports kupunan sa kanilang rematch sa MAD sa Group Stage Day 5 kung saan itinabla nila ang serye ng 1-1. Wagi ng MVP award sa Game 1 si Parit “Difoxn” Pornrattanapitak.

Sa Day 7 naman, kinaharap naman ng Buriram United Esports ang AWC defending champions Team Flashpara isarado ang Group Stages.

https://youtu.be/E1J7BiTalq8