Karamihan sa atin ay gustong simulan ang araw sa isang tasa ng mainit ng kape. Pero ang masarap na inumin na ba ‘to ay may epekto sa ating abilidad pagdating sa gaming?

Ipinaliwanag ng performance specialist ng 100 Thieves at Complexity Gaming na si Edward Caleland sa gaming public kung ano ang iilan sa epekto ng caffeine sa inyong gaming experience.


Ang siyensya sa likod ng caffeine ayon kay Edward Caleland

Credit: Edward Caleland

Bilang pinaka-ginagamit na nervous system stimulant sa buong mundo, ang caffeine ay nauuri bilang isang nootropic drug, i.e., isang drug na pinapaganda ang cognitive function pero hindi nagbibigay ng mas maraming enerhiya matapos itong ikonsumo. Nililinlang lamang nito ang ating receptors para mapigilan tayong isipin na tayo ay pagod.

“Caffeine’s stimulant effect comes from its impact on adenosine receptors in the neural membrane,” paliwanag ni Cleland. “Adenosine is a central nervous system neuromodulator. When adenosine binds to its receptors, neural activity slows down, and you feel tired. Adenosine facilitates sleep.”

Tinutulungan din nito ang ating katawan na maglabas pa ng mas maraming adrenaline na kilala rin sa tawag na “fight or flight” hormone. Ginigising tayo nito at pinapataas ang ating attention level. Ang pinaka-nakakaalarmang naibahagi ni Cleland ay tulad ng karamihan sa mga droga, ang labis na paggamit ng caffeine ay nakakadagdag sa tolerance natin dito na inuudyok tayong magkonsumo ng mas marami pa nito.


Paano isaayos ang pagkonsumo para sa magandang epekto ng caffeine sa inyong gaming

Ang kape ay sikat na source ng caffeine.
Credit: Jessica Lewis

Inirerekomenda ni Cleland na iwasan ang mga sangkap na ito dahil ang mga ito ay disease promoters at hormone disrupters.

  • high sugar content
  • dairy
  • high fructose corn syrup
  • food colorings and dyes

Sinabi niya rin na ang tradisyonal na Indian at Chinese medicine ay minumungkahi na dahan-dahanin ang pagkonsumo ng caffeine.


Health tips at alternatives

Credit: Edward Cleland

Inirerekomenda ni Cleland na ‘wag magkonsumo ng caffeine ‘pag walang laman ang tiyan at mag-hydrate nang mas maayos. Mahalaga rin na hindi ito gamitin bilang solusyon sa kakulangan sa enerhiya dahil pwede itong humantong sa hormonal problems.

Sa mga naghahanap ng alternatibo, pwede kayong tumingin sa iba pang nootropics tulad ng tsaa at non-psychedelic mushrooms imbes na uminom ng kape.

Sa pagtatapos, kinilala naman ni Cleland na ang caffeine ay isang performance-enhancing drug sa gaming na ginagamit ng karamihan sa mga manlalaro. “When used appropriately, by a healthy individual who feels good using it, I support its usage in moderation while preparing to and competing,” ani niya.

Bilang wellness director ng Mind Body Esports, natulungan na ni Edward Cleland ang napakaraming professional esports players mula sa Valorant at CS:GO na pagandahin ang kanilang laro sa pamamagitan ng pagtutok sa kanilang kalusugan na higit pa sa traditional diets at exercise programs.

Ang kumpletong thread ay maaaring makita sa Twitter page ni Edward Cleland.


Ito’y pagsasalin ng orihinal na akda ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.