Dahil halos sinasakop na ng mga submachien guns ang meta ng Call of Duty Mobile Season 5, ibinunyag na ni TeamIND pro na si Jash “Learn” Shah ang mga detalye ng kaniyang Fennec loadout.

Napanalunan ni Learn at ng TeamIND ang CoD Mobile 2021 South Asia at Middle East Finals kamakailan lang, at dahil diyan, sila na ang itinuturing top seed ng rehiyon para sa CoD Mobile World Championship 2021.

Detalye ng Fennec loadout ni Learn ng TeamIND sa Call of Duty Mobile 

Isang malakas na baril ang Fennec para sa malapitan at mid range na bakbakan.

Para ma-extend ang range ng baril na ito nang hindi nababawasan ang kaniyang mobility, nilagyan ni Learn ang Fennec ng Monolithic Suppressor kasabay ng MIP Light Barrel.

Dahil sa kaniyang mabilis na fire rate, maaring nakakagulat ito sa mga bagong SMG users. Kinokontrol ni Learn ang bullet speed at recoil ng baril na ito sa pamamagitan ng OWC Laser at Ranger Foregrip.

Para naman sa kaniyang playstyle, ginagamit ni Learn ang kaniyang Fennec loadout para sa mga objective-based support. Dahil sa kaniyang mataas na mobility, maari siyang umikot nang mas mabilis para sa mga engkwentro sa kalaban. 

Ito ang mga detalye ng kaniyang Fennec loadout sa Call of Duty Mobile: 

SLOTS ATTACHMENTS 
Muzzle Monolithic Suppressor 
Barrel MIP Light Barrel (Short) 
Laser OWC Laser – Tactical 
Underbarrel Ranger Foregrip 
Ammunition Extended Mag A 

Para sa karagdagang tips at tricks mula kay Learn, tignan ang kaniyang full Call of Duty Mobile guide dito: 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights sa CoD.