Pasabog ang ipinamalas ng 2020 CDL champions Dallas Empire sa kanilang kampanya sa 2021 Call of Duty League Championship kung saan ipinakita nila sa mundo ang pinakamagandang Hardpoint game performance kontra Toronto Ultra.
Nasa bingit na ng elimination ang Dallas Empire ng baliktarin ni Ian “C6” Porter at ng kaniyang crew ang 50 point deficit sa Raid.
Paano binaliktad ng Dallas Empire ang laro sa 2021 Call of Duty League Championship

Segundo nalang ang ibibilang at hihirangin na ang Ultra bilang panalo sa 239 points, ngunit nagpakita ng never-say-die attitude ang Dallas Empire sa pangunguna ni Anthony “Shotzzy” Cuevas-Castro.
Maraming kills ang nakuha ng player sa Kitchen, na nagbigay daan para sa kaniyang teammates para pasukin ang Courtyard hardpoint.
Bagamat napitas si Shotzzy ng isang flanker, binantayang maigi ni Reece “Vivid” Drost at ni C6 ang Courtyard para malagpasan ng DAL ang 200 point mark.
Nakipagpalitan ang Empire sa Toronto Ultra sa Circle Drive
Nakuha ng Toronto Ultra ang Courtyard para iangat ang kanilang score sa 241, ngunit mabilis na pumulas ang Empire para iselyo ang sumunod na hardpoint sa Circle Drive.
Sunod-sunod na engkwentro ang naganap sa pagitan ng dalawang squad ngunit nanaig ang kupunan ni C6 sa isang full squad engage kung saan naubos ang Toronto Ultra sa hardpoint. Nagbigay ito sa kanila ng maliit na point lead.
Susi si Shotzzy at ang kaniyang Diamatti sa Hardpoint game win

Kahit pa malakas ang lockdown na ipinakita ng DAL, nakapuntos ng Toronto Ultra ng mga crucial kills kay C6 at Indervir “iLLeY” Dhaliwal na nagpa-angat sa Ultra sa 248 points.
Sa do-or-die situation na ito, buong tapang na sumugod si Shotzzy sa Circle Drive kung saan nakapitas siya ng dalawang miyembro ng Toronto Ultra. Sa kabilang banda naman, nakakuha ng magandang anggulo si iLLey sa likod ng concrete blocks upang paslangin si Jamie “Insight” Craven para sa Empire hardpoint lead.
Bilang ang huling DAL player sa hardpoint, inilabas ni Shotzzy ang kaniyang Diamatti sidearm at niratrat si Ben “Bance” Bance sa point-blank range para kumpletuhin ang combeck win.
Sinelyo ng Dallas Empire ang third place sa the 2021 Call of Duty League Championship at ibinulsa ang tumataginting na US$300,000 cash prize.