May official gaming merchandise na ang sikat na anime na Demon Slayer!

Salamat sa isang collaboration kasama ang ASUS, maipepresenta niyo na sina Tanjiro at Nezuko sa gaming PC setup niyo.

Ang collaboration ng ASUS at Demon Slayer

Demon Slayer x ASUS
Credit: Aniplex, ASUS

Nag-team up ang computer hardware brand na ASUS at anime na kilala rin sa pangalang Kimetsu no Yaiba para ilabas ang gaming collection na pinagbibidahan ng mga bida sa naturang palabas.

Kinatatampukan ng nasabing collaboration ang TUF Gaming mouse na hango kay Kamado Tanjiro. Bakas sa disenyo nito ang green checkered pattern na kagaya sa kanyang kimono. 

May naka-print din sa ilalim ng mouse ang kanji character “滅”, na ang ibig-sabihin ay “annihilate” o mangwasak sa Filipino. Sa anime, makikita rin ang salitang ito sa likod ng uniform ng mga slayer.

Demon Slayer x ASUS
Credit: Aniplex, ASUS

May headset din para sa magkapatid na Nezuko at Tanjiro. Ang tanyag na bamboo muzzle ni Nezuko ay ginawang microphone, habang ang fox mask naman ni Tanjiro ay makikita sa band ng headset bilang accessory.

Demon Slayer x ASUS
Credit: Aniplex, ASUS

Must-have din para sa mga Nezuko fans ang pink na mousepad na ito.

Para naman sa mga Agatsuma Zinetsu stans, ito ang mga gaming PC part na para sa inyo:

  • ASUS RT-AX86U router
  • ASUS TUF GAMING GT501 chassis
  • ASUS TUF GAMING B560-PLUS WIFI motherboard
  • ASUS TUF GAMING LC 240 ARGB
  • ASUS TUF GAMING RTX 3060
Demon Slayer x ASUS
Credit: Aniplex, ASUS

Meron ding ASUS RT-AX82U WiFi router para sa mga may paborito kay Hashibara Inosuke.

Demon Slayer ASUS laptops naman para sa mga low-key weebs

May laptop din na kasama ang collaboration ng ASUS at Demon Slayer. Ang Vivobook Pro 14 OLED laptop na kanilang inilabas ay may decal ni Tanjiro sa may tabi ng trackpad.

Available na sa China ang ASUS at Demon Slayer collection na ito.