Binuo ng Team NINJA ng Koei Tecmo Games, ang Rise of the Ronin ay isang open-world action-adventure game ng Sony Interactive Entertainment.

Hinahayaan ka nito maging isang masterless samurai sa iyong paglalakbay sa Bakumatsu period. 

Ano ang kwento ng Rise of the Ronin? 

Gaming Rise of the Ronin
Screenshot ni Ron Muyot/ONE Esports

Nakatakda sa Edo noong late 19th century, nagaganap ang laro tatlong siglo matapos ang marahas na pamahalaan ng Tokugawa Shogunate. 

Nalulong sa kaguluhan ang bansa matapos dumating ang mga Black Ships mula sa West. 

Sa kalagitnaan ng digmaan, mga sakit, at politiko, isang warrior ang darating para baguhin ang kapalaran ng Japan. 

Rise of the Ronin gameplay 

Gaming Rise of the Ronin

Bilang isang ronin, nakasalalay ang kapalaran ng bansa sa iyong palad. Tuklasin ang kwento base sa mga desisyon mo at sa mga characters na makakasama mo sa iyong journey. 

Makakasalubong ka rito ng mga mission choices, tulad ng pagpili kung papatayin o po-protektahan mo ang mga tao para mabago ang kasaysayan sa pamamagitan ng isang masalimuot na multi-choice system. 

Maghahatid ito ng isang combat experience na mayroong intricate na kumplikadong elemento ayon sa iyong playstyle. 

Harapin ang iyong mga kalaban gamit ang isang array ng close-quarters weapons o pumili kung paano mo sila kakalabanin gamit ang mga period firearms. 

Rise of the Ronin release date at platform 

Gaming Rise of the Ronin
Screenshot ni Ron Muyot/ONE Esports

March 22, 2024 ang release date ng laro.

Isa itong eksklusibong title na binuo para sa PlayStation 5 console. 

Rise of the Ronin official trailer



I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa mga bagong laro.

BASAHIN: Dragon’s Dogma 2 pre order: Paano makakuha ng kopya sa Amazon