Ang mundo ng anime ay naapektuhan ng pagkawala ng isang alamat, si Akira Toriyama.

Ang mahusay na manlilikha ng sikat na serye na Dragon Ball, ay pumanaw sa edad na 68.

Baka ang Goku stop motion clip na ito ang hinaharap ng live-action anime

Ang naging impluwensya ni Toriyama sa industriya ng anime ay hindi mapapantayan, at ang kanyang mga likha ay nag-iwan ng hindi malilimutang marka sa mga tagahanga sa buong mundo.

Si Akira Toriyama, ang lumikha ng Dragon Ball, ay pumanaw sa edad na 68

Goku and Dragon Ball creator Akira Toriyama
Credit: Toei Animation, Akira Toriyama, JIJI

Ipinanganak sa Nagoya, Aichi, Japan noong 1955, unang ipinakilala ni Toriyama ang mundo sa Dragon Ball universe noong 1984.

Ang maalamat na kwento ni Goku at ng kanyang mga kasama ay agad na hinangaan ng mga manonood, kung kaya’t sumikat at naging bahagi ng kultura ang Dragon Ball na patuloy na namamayani sa loob ng maraming dekada.

Bakit ‘Bleach’ ang pangalan ng anime at manga na ito?

Ang makabagong pagkukwento ni Toriyama at kanyang natatanging disenyo ng karakter ay nagpabago sa larangan ng anime, na nag-angat ng antas medium.

Ang kanyang mga ambag ay higit pa sa Dragon Ball, lumikha rin siya ng iba pang matagumpay na gawain tulad ng Dragon Ball Z, Dragon Ball Super, Sand Land, at iba pa. Sa bawat likha, ipinakita ni Toriyama ang kanyang walang kapantay na kakayahan sa pagbuo ng kapanapanabik na mga kuwento at hindi malilimutang mga karakter.

A letter from Bird Studio announcing the passing of Akira Toriyama
Credit: Bird Studio

Ang balitang pagpanaw ni Toriyama ay na-verify ng Bird Studio, isang manga at design production studio na itinatag ni Toriyama, at ibinahagi sa Dragon Ball Twitter/X account.

Ang anime community at ang mga tagahanga sa buong mundo ay nagpapahayag ng kanilang kalungkutan at pasasalamat sa pamana na iniwan ni Toriyama.

Ang Dragon Ball Daima, isang paparating na anime series kung saan malaki ang partisipasyon ni Toriyama sa produksyon, ay inaasahang ilalabas sa taong ito.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Top anime merch stores na dapat mapuntahan ng isang otaku gaya mo