Hatid ng Omne by FWD.

Nabasa mo na ang manga, napanood ang series, at naka-follow sa lahat nang mga voice actors sa Twitter — ano na ngayon ang susunod? Oras na upang mas laliman pa ang pagpasok sa fandom at sumabak sa mundo ng anime merchandise.

Ang kabisera ng bansang Japan na Tokyo ay nag-aalok ng ilan sa pinakasikat na destinasyon para sa mga anime fans at ang kanilang hilig sa shopping.

Kung ikaw ay isang malupit na tagahanga ng anime, narito ang tatlong lugar na dapat mong talagang bisitahin.

Saan dapat mamili ng mga anime merch sa Tokyo, Japan

  • Akihabara
  • Ikebukuro
  • Shibuya


Akihabara

Buy anime merch in Akihabara, Tokyo, Japan
Credit: Yurii Santonii

Ang distrito ng Akihabara sa Chiyoda ward ay malawakang kinikilala bilang anime capital ng mundo, kaya ito ang pangunahing paboritong lugar para sa mga geek at pop culture enthusiasts.

Ang lugar na ito ay nagtatampok ng maraming tindahan ng second-hand at specialty stores, na nakatago sa loob ng malalaking gusali at makitid na hagdan. Ilan sa mga pinakapopular na lugar para sa pamimili ng anime merchandise sa Akihabara ay kinabibilangan ng Mandarake, Akihabara Gamers, Animate, Liberty, at Kotobukiya.

Kung plano mong magshopping nang maramihan, siguruhing may bitbit kang backpack na walang laman o magdala ng reusable na mga bag. Sa ganitong paraan, makakatipid ka ng pera dahil may mga tindahan na nagpapatong ng singil para sa mga single-use plastic at paper bags.

Ikebukuro

The biggest Animate store is located in Ikebukuro
Credit: Animate

Isang 20 minutong biyahe ng tren mula sa Akihabara ang Ikebukuro, isang masiglang distrito sa Toshima ward.

Matatagpuan sa Ikebukuro ang pinakamalaking tindahan ng Animate sa buong mundo, na may siyam na palapag ng official anime goods kabilang ang character merchandise, manga, CDs at DVDs, at special Animate collaborative merch.

Ang Otome Road ng Ikebukuro ay isang must-visit para sa mga sim-dating game players at tagahanga ng mga lalaking anime characters. Maaari mong bisitahin ang mga tindahan tulad ng K-BOOKS, Comic Toranoana, at Mandarake LaLaLa ng maginhawa sa iisang lokasyon.

Habang andito ka, bisitahin na rin ang isang butler café para sa ultimate otome experience.

Shibuya

Shibuya crossing in Japan
Credit: Denys Nevozhai

Maliban sa mga abalang pedestrian crossings at shopping malls sa Shibuya, mayroong mga specialty anime stores. Tatlo sa mga ito ay matatagpuan sa loob ng Parco Mall, ilang bloke ang layo mula sa sikat na crossroad.

Pumunta diretso sa ika-anim na palapag ng Shibuya Parco at agad kang mapupunta sa geek heaven, sasalubungin ka ng mga makukulay na storefronts ng Pokemon Center at Jump Shop. Maaari kang bumili ng anime merch sa huli, na may mga titulo mula sa Shonen Jump magazines tulad ng One Piece, My Hero Academia, Dragonball, Jujutsu Kaisen, at Demon Slayer.

Isang palapag pababa, sa ika-limang palapag, makikita mo ang Radio EVA Store, isang maliit na tindahan na nagbebenta ng Evangelion merchandise. Mabibili din dito ang iba’t ibang klase ng damit, kasama na ang mga bag at accessories na inspirado sa pangunahing mga karakter ng mecha anime.

Maaari mo ring silipin sandali ang Tokyu Hands, na matatagpuan sa tabi ng Shibuya Parco. Pumunta sa ika-2A na palapag para tignan ang kanilang natatanging anime merch selection.

Kung kailangan mo ng mas maraming One Piece sa iyong buhay, bisitahin ang Mugiwara Store sa ika-anim na palapag ng Shibuya 109. Ang buong tindahan ay dedikado lamang sa kahanga-hangang gawain ni Eiichiro Oda, na may life-size na mga estatwa nina Monkey D. Luffy, Shanks, Sanji, at marami pang iba.

Ang artikulong ito ay inilahad ng multi-lifestyle app na Omne mula sa FWD.

Magsuot ng komportableng sapatos at damihin ang kakaibang retail therapy. Mag-relax kasama ang iyong paboritong merchandise sa iyong tabi at subukan ang mga bagong paraan para mag-relax DITO.

Para sa iba pang balita tungkol sa anime at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Demon Slayer x Mobile Legends: 5 na magkakamukhang characters at heroes